Sa mga kabataang artista ng GMA 7 ay masasabing masuwerte si Rocco Nacino. Kabi-kabila ang kanyang mga proyekto kung saan nabigyan siya ng acting award sa natatanging Likha para sa Dulang Pangtelebisyon-Hiblang Huwaran Award mula sa Gawad Duyan para sa seryeng Bayan Ko.
Hinangaan din ang akting nito sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa at Pedro Calungsod, ngayon ay kasama siya sa indie film na Hustisya na tampok si Nora Aunor.
First time nilang magkasama sa pelikula ng Superstar at ayon kay Rocco ay kabado siya nung una pero dahil sa bait ng superstar ay nawala ang takot at kaba nito.
Sa Hustisya, abogado si Rocco ni Guy at may pagka-kontrabida ang role nito. Bilang paghahanda ay nagpasama ito sa ama sa Hall of Justice at nag-obserba sa court proceedings. Isa sa mga session na napuntahan nito ay ang pagdinig sa kasong human trafficking. Kaya napag-aralan nito ang mga kilos at pag-uugali ng isang tunay na abogado.
ROI kinakaya ang lamayan sa trabaho
Kasama sa pelikulang Overtime si Roi Vinzon bilang kontrabida. Ayon sa beteranong aktor, nang inoperan siya ng mga teleserye ay nangangamba siya na baka kayang magtrabaho sa napakahabang oras at non-stop pa at baka ikamatay niya dahil hindi nito kaya. Pero nang i-offer sa kanya ang My Husband’s Lover na-realized niya na hindi naman pala problema, dahil kaya pala niya ang pagtatrabaho sa mahabang oras dahil bata pa naman siya (early-60s pa ang aktor).
Last week pumirma ng tatlong taong kontrata sa GMA ang magaling na aktor.