Pilot episode ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon pumalo sa ratings

MANILA, Philippines - Inabangan, tinutukan, at mainit na pinag-usapan ng buong sambayanan ang pinakabagong primetime drama series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pinagbibidahan ng Movie Queen ng bagong henerasyon na si Bea Alonzo. Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Hunyo 16) kung kailan pumalo ang pilot episode sa  21.7%, o mahigit doble ng nakamit ng katapat nitong programa.

Sa parehong gabi, naging mainit na usapin sa netizens ang mga nakakikilig at senswal na eksena sa pagitan ng mga karakter na sina Rose (Bea) at Patrick (Paulo Avelino), kabilang ang detalyadong usapan ng dalawa tungkol sa paggawa ng tsokolate. Dahil dito ay naging worldwide trending topics sa microblogging site na Twitter si Paulo at ang hashtag na #SBPAKWhenRoseMetPatrick.

Sa ilalim ng direksyon nina Jerome Pobocan at Trina Dayrit, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay iikot sa kwento nina Rose at Emmanuelle (gagampanan din ni Bea), ang mga babaeng pagtatagpuin ng tadhana at pag-iisahin ng kanilang hangarin na hanapin ang katotohanan at katarungan.

 

Show comments