Male starlet sobrang pihikan sa trabaho kaya hindi umusad ang career

Hanggang best friend o kontrabida na lang ang puwedeng ibigay sa male starlet na ito dahil masyado raw itong maraming kaartehan kapag may inilalapit na project sa kanya.

Hindi na alam ng kanyang bagong manager ang gagawin niya dahil lahat naman daw ng ilapit niyang trabaho para sa male starlet ay tumatanggi ito.

Kaya naman kahit na matagal na siyang nasa showbiz at kinontrata pa siya ng isang network, walang nangyari sa kanya dahil panay ang tanggi nito at ang parating dahilan ay ang kanyang pamilya na konserbatibo.

‘Yun ang problema ng unang manager ng male starlet dahil marami raw na pinalampas ang kanyang alaga dahil nga maraming limitations ito.

“Para san pang nag-showbiz siya kung maraming bawal? Sana nag-pari na lang siya, ‘di ba?” sey ng aming source.

“Yung mga kasabayan niya, mga kilala na dahil hindi sila nag-inarte na magpa-sexy sa mga photo shoots na suot ang mga sexy underwear. Nakuha pa silang mga endorsers.

 â€œEh si male starlet, nandiyan na pero inayawan pa niya. Kesyo magagalit daw ang parents niya. Jusko, ilang taon na ba siya? Para namang teenager siya para bawalan ng parents, ‘di ba?”

Ilang daring roles na rin sa mga indie films ang tinanggihan ng male starlet. Kaya ang bagsak niya, mga support roles na lang sa teleserye.

 

Arron bait-baitan naman

Pagkatapos niyang gumanap na kontrabida ni Coco Martin sa Juan dela Cruz, mabait naman ang bagong gagampanan na character ni Arron Villaflor sa local adaptation ng Koreanovela na Pure Love.

Natutuwa si Arron dahil paiba-iba ang mga role na kanyang natatanggap.

 â€œGusto ko po ang ganito na versatile tayo. Kaya nating maging kontrabida at puwede rin tayo maging mabait.

 â€œHindi ako nakakahon sa iisang klaseng role lang,” sey pa ni Arron nang makakuwentuhan namin siya sa HBC National Makeover event sa Trinoma Activity Center kamakailan.

Bukod sa bagong teleserye sa ABS-CBN 2, may sisimulan din na bagong indie film si Arron na tungkol sa buhay ni General Antonio Luna.

 

Harrison kinailangang i-airlift matapos maaksidente

Naaksidente sa set ng Star Wars: Episode VII ang aktor na si Harrison Ford at dalian siyang dinala sa John Radcliffe Hospital in Oxford, London for treatment.

The 71-year old actor, who got his big break playing Han Solo sa original Star Wars movie in 1977, is reprising his role para sa bagong chapter na ito.

Hindi malinaw kung ano ang nangyaring aksidente sa set kaya kinailangan pang i-airlift si Ford sa ospital.

May nakapagsabi na naipit ang ankle ni Ford sa isang garage door na nasa loob ng Pinewood Studios in London kung saan sila nagsu-shoot ng mga eksena.

Nabili nga ng Disney ang Lucas film, na pag-aari ng original director at producer ng Star Wars na si George Lucas, sa halagang $4.05 billion.

Bukod kay Harrison Ford, kasama rin sa cast sina Carrie Fisher, Mark Hamill, Andy Serkis and Lupita Nyong’o among others.

Show comments