Gusto ko na maging blockbuster ang Overtime dahil bukod si Richard Gutierrez ang bida, si Earl Ignacio ang direktor ng pelikula ng GMA Films na showing sa mga sinehan sa July 2.
Hindi sinasadya na nalaman ko na involved si Earl sa pelikula ni Richard. Nakita ko lang siya na kumukuha ng tseke sa cashier ng GMA 7 at nang mag-usap kami, sinabi niya na siya ang assistant director ng Overtime.
Hindi first time director si Earl dahil siya ang direktor ng ilang mga TV show sa TV5. Wish ko na magkaroon si Earl ng mga teleserye sa GMA 7 dahil kumbinsido ako na isa siyang mahusay na direktor.
Sa September 2014 ang expiration ng movie contract ni Richard sa GMA Films. Sa pagkakaalam ni Richard, gagawa pa siya ng isang pelikula sa film outfit ng GMA 7.
Ang promo ng Overtime ang pinagtutuunan ngayon ni Richard ng pansin. Hindi pa niya napapanood ang kabuuan ng pelikula kaya excited na siya na makita ang kanyang mga pinaghirapan.
Si Lauren Young ang leading lady ni Richard sa Overtime. Feeling lucky si Lauren dahil nabigyan siya ng chance na makaÂtrabaho si Richard.
Kaartehan ng isang artista isinuplong na sa management
Unti-unti nang lumalabas ang mga horror story tungkol sa artista na nagbibigay ng problema sa set ng isang teleserye.
Hindi ko sasabihin kung boy o girl ang artista na feeling superstar pero tiyak na punum-puno ng insecurity sa katawan.
Hindi na natuto ang artista na nabigyan ng maraming second chance. Banas na banas na sa kanya ang mga katrabaho kaya ipinarating na sa management ang mga kakaibang drama ng artista na pinaninindigan ang kaartehan at pagiging maarte.
Kahit sa bilangguan pa Sen. Jinggoy pakakasalan uli ang asawa
Matuloy man o hindi ang pagkukulong sa kanya sa Camp Crame, buo na ang desisyon ni Senator Jinggoy Estrada na muling pakasalan ang kanyang misis na si Precy Vitug.
Ipagdiriwang ng mag-asawa ang silver wedding anniversary nila ngayong June pero nakaamba ang banta na huhulihin si Papa Jinggoy bago matapos ang buwan dahil sa kaso ng plunder na ibinibintang sa kanya.
Paulit-ulit na sinasabi ni Papa Jinggoy na ready na siya na makulong kaya nakahanda na rin ang plano nila ni Precy na mag-renew ng kanilang wedding vows, kahit nasa loob siya ng selda ng Camp Crame. Sa mga nagtatanong ng exact date ng wedding anniversary nina Papa Jinggoy at Precy, June 28 po ang tumpak na kasagutan.
Sobra naman manlait...
OA naman ang mga report na 99% ang nag-bash sa privilege speech ni Senator Bong Revilla, Jr. noong Lunes.
Hindi basehan ang mga basher para masabi na marami ang ayaw sa privilege speech ni Bong.
So what naman kung may music video na ipinakita si Bong sa kanyang priÂvilege speech sa senado? Privilege speech ang tawag kaya nga malaya si Bong na gawin at sabihin ang nilalaman ng kanyang kalooban ‘no! Sa mga hinÂdi ma-take ang music video ni Bong, simple lang ang solusyon diyan, eh ‘di huwag ninyong panoorin! Huwag n’yo nang pahirapan ang inyong mga sarili dahil kayo ang nagiging katawa-tawa!