Coco at Sarah waging-wagi

MANILA, Philippines - Humakot ng libu-libong mga manonood ang Maybe This Time ng Star Cinema at Viva Films sa opening day nito nuong nakaraang Miyerkules at kumita ito ng Php20M sa takilya. Sinolidify ng tagumpay nito sa takilya ang bankability ng unang tambalan ng ABS-CBN Primetime King na si Coco Martin at ng Box-Office Queen na si Sarah Geronimo sa pinilakang tabing.

Dinirehe ni Jerry Lopez Sineneng ang Maybe This Time na sinulat nina Anton Santamaria at Melai Monge.

Ang Maybe This Time ay isang love story tungkol sa dalawang tao na matututunan ang kahalagahan ng pagiging totoo sa kanilang mga sarili upang magwagi at manaig ang pag-ibig sa kanilang mga buhay.

Tampok din sa Maybe This Time sina Ruffa Guttierez, Ogie Diaz, Dennis Padilla, Marlann Flores, Zeppi Borromeo, Garlic Garcia, Minnie Aguilar, Boboy Garovillo, at Sharmaine Buencamino.

Andrea at Raikko, sangkot sa malaking gulo sa “Wansapanataym.”

Mapapahamak ang mga karakter ng Kapamilya child stars na sina Andrea Brillantes at Raikko Mateo ngayong Linggo (Hunyo 1) sa pagpapatuloy ng kanilang Wansapanataym special na My Guardian Angel.

 Matapos matuklasang isa siyang ampon, magde-desisyon si Ylia (Andrea) na lumayas sa kanilang bahay kaya naman mapipilitan si Kiko (Raikko) na labagin ang patakaran ng mga guardian angel at aminin kay Mommy Carol (Mylene Dizon) ang tunay niyang pagkatao. Matututunan ba ni Ylia na intindihin at patawarin ang kanyang mga magulang kapag nalagay siya sa peligro dahil sa kanyang paglalayas? Paano maililigtas ni Kiko si Ylia ngayong binawi na sa kanya ang super powers niya?

Tampok din sa My Guardian Angel sina Ejay Falcon, Ketchup Eusebio, Ruby Rubi, Gerard Pizarras, Abby Bautista, Racquel Pareño, Lui Villaruz, Dale Badillo, Jovic Susim, at Vangie Martell. Ito ay sa ilalim ng panunulat ni Joel Mercado at direksyon ni Jon “Sponky” Villarin.

39 Kapuso milyonaryo, lalo pang madaragdagan!

Ilan lamang sina Josefina ng NCR, Alfredo ng Mindanao, at Rutchelle ng Visayas sa 39 Kapuso viewers na naging instant millionaires at nabigyan ng bagong pag-asa sa tulong ng Kapuso Milyonaryo ng GMA Network. Simula nang ilunsad ito noong 2012, patuloy ang Kapuso Milyonaryo sa pagbibigay saya at katuparan sa mga pangarap ng manonood sa pama-magitan ng pamimigay ng malalaking papremyo.

Sa ika-5 season nito, lalong pinalaki ang Kapuso Milyonaryo Level up Panalo dahil tinatayang mahigit P25 million ang halaga ng mga papremyo (tax free) na maaaring mapanalunan. Mamimigay ng tig-iisang milyon ang mga sponsors na binubuo ng aji ginisa, flavor seasoning mix, NESCAFE 3in1, Milo, Family’s Brand Sardines, Energen, Fudgee Barr, at Smart Prepaid sa pitong masuwerteng kalahok.

Maaari ring manalo ng isang brand new house and lot, tatlong Isuzu Alterra SUV, at 500 smart phone mula sa MyPhone at marami pang iba.

Ang Kapuso Milyonaryo Level Up Panalo ay nagsimula noong May 26, 2014 at maaaring magpadala ng entry hanggang July 20, 2014. Ang mga magwawagi ay i-aannounce sa July 27 sa Sunday All Stars sa GMA7. 

 

Show comments