Aljur urong ang dila kay Kylie

Parehong ayaw sagutin nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla ang break-up issue sa kanilang da­lawa. 

Last Sunday, kahit nag-deny ang mga taga-Sunday All Stars na wala namang iwasang nangyari kina Aljur at Kylie sa show, marami namang nakakita na hindi sila nagbatian at iniwasan ni Kylie si Aljur noong pauwi na siya.  Kahit ang issue na hindi nag-report si Louise delos Reyes sa show, nagpaalam daw talaga si Louise dahil may nakasabay na commitment.

Sa campaign launch ng Blue Water Day Spa sa Marco Polo Hotel in Ortigas Center, Pasig City, na Lifestyle Redefined, marami ring naghintay kay Aljur na isa sa original endorsers ng Blue Water para siya mahingan ng reaction sa issue. 

Nanood muna ang en­tertainment press tungkol sa kanilang cam­paign na “discover the key to wholeness of the mind, body and spirit,” ayon kay Nancy Go, Operations Manager ng Blue Water Day Spa.  Ipi­akilala rin ng mga host na sina Rikka Infantado at Fabio Ide ang endorsers na sina Aljur, Ian Batherson, Iya Villania (na absent dahil nasa Hawaiian honeymoon with husband Drew Arellano) Mikaela Lagda­meo-Martinez, Fabio, Kim Suiza, at ang Semerad Twins na sina Anthony at David, kasama ang new ambassadors nilang sina Winwyn Marquez, Ervic Vijandre, LA Aguinaldo, Pia Wurtzbach, Jovic Susim, at Mariella de Leon (daughter of Christopher de Leon, at Sandy Andolong).

Maliban sa pagpapasalamat ni Aljur sa birthday party na ibinigay sa kanya ng Blue Water Day Spa noong May 23, hindi na niya sinagot ang tanong tungkol sa tunay na relasyon nila ngayon ni Kylie.  Nakiusap na lamang siyang respetuhin ang place at event at gusto niyang kung anuman ang nangyayari sa love life niya, maging personal na lamang ito, sa kanya na raw lamang. 

Dominic hindi naghahanap ng GF

Masaya si Dominic Roco dahil may bago na naman siyang soap sa GMA 7, ang Ang Dalawang Mrs. Real.  When asked kung ano ang role niya, siya raw si Daniel Salazar, strict brother ni Shiela (Lovi Poe).

May Cinemalaya entry rin si Dominic, ang Tumbang Preso na opening film sa August 1 ng festival, kasama niya sina Kean Cipriano at Ronnie Lazaro.  Wala ring love life ang aktor, masaya naman daw siya, hindi siya naghahanap ng magiging girlfriend.

Miguel magbibigay inspirasyon sa Pangasinan

Bilang pasasalamat sa bumubuo ng inspirational drama series ng GMA 7 na Niño, may mall show sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Julian Trono, at Renz Valerio mamayang 3:00 p.m. sa Activity Area ng Magic Mall Urdaneta sa Urdaneta, Pangasinan. Free admission ang show.

 

Show comments