GF ni Rodjun hinarang sa airport, napagkamalang si Deniece Cornejo

Thankful nga si Rodjun Cruz dahil sa isang primetime series sa GMA 7 siya muling inilagay.

Pagkatapos niyang lumabas sa My Husband’s Lover at Akin Pa Rin Ang Bukas, kasama siya sa Ang Dalawang Mrs. Real kung saan bida sina Dingdong Dantes, Lovi Poe at Maricel Soriano.

Kinatutuwa nga ni Rodjun na nakatrabaho na niya ang tatlong bida ng naturang teleserye kaya hindi na niya kailangan mailang pa sa mga ito.

Simula nga noong maging Kapuso si Rodjun ay hindi na siya nawalan ng projects. Bukod sa teleserye ay kasama rin siya every Sunday sa Sunday All Stars.

Dahil sa busy schedule niya, inamin niyang medyo nabawasan ang time niya para sa girlfriend niyang si Dianne Medina.

“Very understanding naman si Dianne. Alam niyang gusto kong maging busy sa career ko at natupad na nga iyon noong lumipat ako sa GMA 7.

“Si Dianne din naman, busy rin siya. She has Mirabella sa kabilang network and she’s hosting a morning show sa PTV4 na Good Morning Boss.

“Kaya pareho kaming very productive ngayon. Kapag pareho kaming libre sa mga commitments namin, doon kami nakakapag-date.”

Kelan lang ay napagkamalan nga raw si Dianne na si Deniece Cornejo sa airport kaya hinarang siya. Pero mabilis naman daw na naayos iyon dahil napatunayan naman na hindi siya si Deniece.

“Actually nakakatuwa ‘yung nangyaring iyon. Kinuha kasi si Dianne na mag-spoof kay Deniece sa Tropa Mo Ko Unli. Tapos bigla nga siyang napagkamalang si Deniece sa airport.

“Pinagtawanan lang naman iyon ni Dianne. Ibig sabihin effective siya sa ginawa niyang pag-spoof kay Deniece,” pagtatapos pa ni Rodjun Cruz.

Alessandra nahihirapang bumait

Inamin ni Alessandra de Rossi na hiniling niya sa mga bossing ng GMA 7 na bigyan siya ng role na hindi naman daw siya kontrabida.

Ngayon daw kasi na isa rin siya sa hosts ng Basta Every Day Happy, gusto naman daw niyang maging consistent hanggang sa paglabas sa teleserye.

“Hindi naman kasi tama na super chika akong host sa umaga tapos mapapanood nila ako na super kontrabida sa gabi, ‘di ba?

“Feeling ko na may responsibility ako sa mga televiewers. Ayoko na rin ‘yung napapanood ako na bad girl. Ilang taon na ako? Hanggang sa tumanda ba ako, eh kontrabida pa rin?” diin pa ni Alex.

Kaya nga sa bagong teleserye na Ang Dalawang Mrs. Real ay mabait ang role niya bilang best friend ni Maricel Soriano na si Sandy.

Jessica Simpson 70 LBS na ang natanggal na taba

Wala na ngang takot si Jessica Simpson na ipakita ang kanyang katawan dahil more than 70 pounds ang nabawas sa kanya.

Noong nakaraang Memorial Day nga ay nag-post si Jessica ng photo na naka-bathing suit siya at proud na proud nga siya sa kanyang bagong body.

Nagpapasalamat si Jessica sa Weight Watchers dahil natulungan siyang magbawas ng kanyang timbang after niyang magkaroon ng dalawang babies na magkasunod.

Inamin ni Jessica na naging insecure siya dahil sa paglobo ng kanyang katawan noon.

“I was so insecure—I couldn’t even believe what I weighed. I don’t think that I ever expected myself to see the numbers that I have seen on the scale,” sey pa ni Jessica Simpson nang mag-guest ito sa Good Morning America.

 

Show comments