Dingdong ayaw maging unfaithful

Pagkatapos ng grand launch ng Ang Dalawang Mrs. Real, masiglang sinagot ni Dingdong Dantes ang mga tanong tungkol sa dalawa niyang Mrs. Real, sina Maricel Soriano at Lovi Poe. Ang story kasi, asawa na ni Anthony Real (Ding­dong) si Milette (Maricel), nang sa isang construction job in Cebu na pi­na­mamahalaan niya, na-meet niya si Shiela (Lovi). Na-in love siya rito at pinakasalan din tulad ng asawa niyang si Milette.

Kumustang katrabaho ang dalawa niyang leading ladies?

Hindi nagkaila si Dingdong na na­ta­kot, may pressure at excitement siyang naramdaman nang una niyang nakaeksena si Maricel.  Kahit na-star­struck siya sa Diamond Star, na-challenge naman siyang pagbutihin ang pag-arte pero mixed ang feelings na naramdaman niya at pagkatapos ng ek­sena, napapangiti siya.

With Lovi, nakatulong sa kanya na minsan na silang nagkatrabaho sa Tiktik: The Aswang Chronicles pero iba pa rin dahil first time naman nilang magtatambal sa TV.

Nagkaroon na ba nang pagkaka­taon na na-torn siya between two lo­vers tulad ng kanilang drama series na dinidirek ni Andoy Ranay? Nangingiting sagot ni Dingdong, kapag alam daw niyang alanganin na ang sitwasyon, umi-exit na siya. Hindi raw kasi siya madaling ma­kahalata kung ano ang intensiyon ng isang babae, dahil wala siyang malisya. Never daw siyang maipit sa dalawang pag-ibig dahil kapag nag-commit siya, pangmatagalan na ang kanyang relasyon (nangiti si Dingdong kung tulad ba ito sa almost six years na nilang relasyon ng girlfriend na si Ma­rian Rivera?)

Sa Lunes, June 2 na mapapanood ang pilot episode nila pagkatapos ng Kambal Sirena.

Dahil sa drama series, mukhang ma­hihirapang umalis ng matagal si Dingdong.  Pinayagan lamang siyang ma­wala ng five days para sa Indepen­dence Day Celebration ng GMA Pinoy TV sa Chicago, Illinois sa June 21. Hindi raw niya alam kung paano sila magkikita ni Marian sa Las Vegas para sabay na silang bumalik ng Pilipinas.

Niño tinanggap ng manonood

Masaya ang bumubuo ng cast and production staff ng Niño sa magandang pagtanggap ng mga televiewers sa inspirational drama series na dinidirek ni Maryo J. delos Reyes.  

 

Show comments