Ang alam ko mas nakababatang tingnan sa isang babae ‘pag maigsi ang buhok kaysa sa long hair. Like me, ayokong magpa-long hair kasi ang tanda ko raw tingnan. Kaya mag-short hair na lang daw para magmukhang bata parati. Ilusyon ng mga Manay! E kasi sabi nga ng isang grupo ng mandarasal na nakilala namin sa wake ni President Cory, mas bagay daw kay Kris ang long and straight hair. Madulas tingnan at simple ang ayos kaysa sa hair niya ngayon na maigsi, may pasabog pa sa noo, kulut-kulot. Mas bagay din daw kay Kris na hindi makapal ang lipstick or makeup. Miss na miss daw nila si Kris sa kanyang long hair at simpleng ayos at makeup. Just the same, stick pa rin daw sila sa panonood ng Kris TV sa ABS-CBN kesehodang napakaagang show nito para sa kanila. At sa Aquino & Abunda Tonight na reklamo naman nilang napakaikli para sa tambalang the best sa kanila na kasama si Boy Abunda. Basta dream ng fans niyang mandarasal na ibalik ni Kris ang dating style ng kanyang hair and makeup.
Niño naaalala kay Ryzza Mae
Sa tingin namin, si Ryzza Mae Dizon, ang munting istariray ng Eat Bulaga at ng solo show niya sa GMA7 na The Ryzza Mae Show ang another Niño Muhlach (child wonder). Sumusunod ito sa yapak ng child actor noon, career man o business, bilang richest boy in showbiz noong kasikatan. Kasi talagang nag-iisa si Niño bilang popular child star that time, bukod sa may sariling movie production managed by his father. Siya ang paboritong katambal ng yumaong hari ng pelikula na si Fernando Poe, Jr. Imagine ang mga kadatungan na nakalap ni Niño at naging honest ang ama nito dahil ang lahat nang kinita ng child actor ay nakabanko at naka-invest sa mga negosyo nila noon. At ngayon, may isang malaking bake shop & coffee shop na dinudumog, ang popular na Muhlach enseymada. Hindi sinamantala ng tatay ni Niño ang perang pinaghirapan ng anak, ‘di tulad ng isang female star na sikat na sikat pero walang naipundar dahil hindi inipon ng parents niya, na nalulong daw sa bisyo noon.
Heto si Ryzza, mas bata kay Niño nang pasukin ang showbiz via television sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga. Napakatalinong bata kaya naman sumikat. Mayroon na siyang sariling TV show daily, bago mag-Eat Bulaga. Sobrang angat na ni Ryzza, napakayaman na ng munting ale. Sana lang ay maiayos ang kanyang mga kinikita.
Paalam katotong Ernie
Condolences sa lahat ng kaanak at close friends ng katotong si Ernie Pecho, ang columnist ng Pang-Masa (PM) tabloid, na pumanaw na at na-cremate last Thursday, May 22. Naging past president ng Philippine Movie Press Club (PMPC), at maraming magagandang ala-ala kay pareng Ernie na naging PRO rin ng isang recording company. Palabiro siya, pero seryoso ‘pag nagbiro kaya akala ng mga PMPC members na mahilig siyang mang-okray. Eternal rest para kay Ernie.