Inaway pati ang best friend sa set, drama actress alalay na lang ang laging kausap

Nabawasan ng mga kaibigan ang drama actress na ito dahil sa mga pinaggagawa niyang hindi tama sa kanyang buhay.

Ang huling taong sinaktan niya, ay tuluyan na siyang tinalikuran at wala na itong balak na isama sa kanyang listahan of friends. In-unfriend na siya nito sa Facebook at hindi na siya pina-follow sa Twitter at Instagram.

Ang problema pa naman daw ni drama actress ay hindi ito marunong makipagkaibigan kaya ngayon ay mukha itong kawawa na walang kumakausap sa kanya sa set ng kanilang teleserye maliban lang sa alalay nito.

Ang kaisa-isang tao ngang nagtiyaga na baguhin siya at ipakilala siya sa maraming kaibigan nito ay ginawan pa niya ng masama, kaya tuloy walang na­ging kakampi ang drama actress.

Kuwento pa ng staff ng teleserye na hindi marunong makibagay ang drama actress sa kanila. Ni hindi raw ito ngumingiti sa kanila kaya naman wala silang simpatiya sa anumang nangyari rito.

Kahit nga ang ibang cast ng teleserye ay hindi nila maituturing na friend o close ang drama actress dahil may “something” wrong daw sa attitude nito.

Kapag nagtitipon daw sila tuwing breaktime, si drama actress lang ang wala sa grupo at kumakain ito sa loob ng kanyang dressing room kasama ang kanyang alalay.

Ilang beses na nilang niyaya ito na sumabay sa pagkain sa kanila, pero laging umaayaw ito. Kaya napagod na silang yayain siya.

Malakas pa rin ang inferiority complex ng drama actress kaya hindi ito capable na makipagkaibigan sa kahit kanino unless may isang tao nga na magtitiyaga sa kanya.

Tuluyan nang iniwan si Boy, Ian binalikan ang dating pamilya

Nagbabalik si Ian Batherson sa panga­ngalaga ng Mercator Models pagkatapos ng higit na isang taon na umalis ito at lumipat sa pa­ngangalaga ng Backroom Inc. ni Boy Abunda.

Sa naganap na 10th anniversary celebration ng Mercator Models ni Jonas Antonio Gaffud sa 71 Gramercy in Makati City, si Ian ang nag-host ng event at sinabi nito na bumalik na siya sa pangangalaga ng original niyang manager.

“Malaki ang utang na loob ko sa Mercator.

“At first, I had second thoughts pa. Baka hindi na ako tanggapin. But Mama Jonas is so nice to take me back again. Para nga akong prodigal son na nawala and now I’m back with them,” ngiti pa niya.

Inamin ni Ian na masyado siyang naging impatient noong nasa poder pa siya ng Mercator.

Noong lumipat nga si Ian sa Backroom, naging part siya ng grupong NYOBG (Not Your Ordinary Boys and Girls). Regular silang nagsu-show sa lahat ng Casino Filipino.

 â€œMaayos naman akong nagpaalam sa Backroom. Nakakalungkot din kasi hindi na ako part ng NYOBG. I had a great time working with all of them.”

Desidido ngang bumalik sa acting si Ian kaya agad siyang pinag-acting workshop sa mga mahuhusay na mga director at artista.

“As for my Tagalog, it’s a lot better now. Medyo may twang ng konti but definitely better than before. Kaya ko na mag-Tagalog ng maayos,” pagtatapos pa ni Ian Batherson.

Hindi na umatend sa kasal nina Kim at Kanye, Rob Kardashian

umiwas makunan ng litrato sa sobrang katabaan

Kumpleto na sana ang mga kapatid ni Kim Kardashian na dumalo sa kanyang wedding with Kanye West sa Florence, Italy. Kaso biglang umuwi sa Los Angeles ang kanyang nag-iisang kapatid na lalaki na si Rob Kardashian sa mismong araw ng kanyang kasal.

Ang dahilan raw ni Rob ay ayaw niyang makunan ng litrato dahil sa sobrang taba niya ngayon.

Masyado raw na-insecure at nadi-depress si Rob sa kanyang hitsura kaya tumatanggi siyang makunan ng litrato. Kahit pa family picture ay ayaw niyang sumali dahil bumaba nga ang self-esteem niya noong lumobo ang dating magandang katawan niya.

Nagsimulang mag-gain weight si Rob nang mag-break sila ng kanyang huling girlfriend, ang singer na si Rita Ora. Simula no’n ay ang pagkain ang naging source of comfort ni Rob. Kinalimutan na niyang mag-workout at nagkulong ito sa kanyang bahay. Kaya tumaba siya nang husto.

Lahat ng encouragement ay binigay kay Rob ng kanyang sisters na sina Kim, Kourtney, Khloe, Kylie, at Kendall para makayanan nito ang kanyang depression. Maging ang kanilang inang si Kris Jenner ay kinuha ang celebrity trainer na si Gunnar Petterson para matulungan siyang bumalik sa dating katawan niya.

Show comments