Richard sinagot na ang tungkol sa ‘anak’ nila ni Sarah

Looking good si Richard Gutierrez sa pocket presscon kahapon para sa reality show ng pamilya nilang It Takes Gutz to be a Gutierrez na ipalalabas na this Sunday, June 1, 9:00 pm sa E! (Skycable Channel 57, Cablelink channel 33, Cignal Cable channel 25 at iba pang channels sa iba’t ibang cable providers dito sa Pilipinas). He lost weight and proud nga niyang nabanggit na 30 lbs na raw ang nawawala sa timbang niya since December.

Kwento nga ng ina niyang si Annabelle Rama, wala raw ginawa si Richard kundi mag-basketball at mag-gym plus may bago pa raw itong hobby nga­yon – ang pagmo-motor at ito raw ang dahilan kung bakit laging nawawala lately ang anak.

“Mayroon kaming Ducati (sikat na motorcycle brand) group at nag-motor kami from Bacolod to Tuguegarao. Tapos nag-race din kami,” kuwento ni Chard.

“Grabe kaya ang pagro-rosary ko d’yan. Hanggang langit. Rosary araw-araw,” say naman ni tita Annabelle.

We learned na si Richard pala ang highlight ng first episode ng It Takes Gutz to be a Gutierrez. And yes, magkasama silang mapapanood ng girlfriend na si Sarah Lahbati.

Asked kung anu-ano ang pasabog nilang dalawa sa publiko, say ni Richard ay marami.

“Kasi kami ni Sarah last year, marami kaming pinagdaanan. Marami ka­ming unanswered questions, ‘di ba? And I think this is the perfect venue and the perfect time, kasi ngayon, ayos na lahat, ‘di ba?

“Nagtatrabaho na ulit si Sarah, kung baga, may show na kami sa E!. Si Sarah, nagwo-work na ulit sa GMA 7, I mean, it’s the perfect time to really talk about our personal lives.

“Wala nang pumipigil sa amin na magkuwento and kung anuman ‘yung mga unanswered questions namin, sasagutin na namin sa first episode pa lang.

“Kasi kung baga, ‘yun ‘yung huling kuwento sa amin ni Sarah, ‘di ba? Tapos, matagal kaming tahimik and maraming unanswered questions na hanggang ngayon, hindi pa nasasagot,” sabi ni Chard.

No-holds-barred and tell-all daw talaga ang maki­kita ng publiko sa kanila this time. Wala na raw silang itatago kahit ano.

“Kasi, reality show ito and kung gusto naming maging totoo talaga, lahat ikukuwento namin. So, lahat mapapanood dito. Pati ‘yung mga pinagdaanan namin habang nasa Europe kami, may mga pictures ako do’n, may mga videos akong snippets, although bad quality, ise-share namin kung ano ‘yung pinagdaanan namin together ni Sarah,” he said.

Pabiro pero direktang itinanong kay Chard ng press kung ipakikita ba ang alleged baby nila ni Sarah at napatawa ang aktor.

 â€œMapapanood n’yo sa first episode lahat ng mga questions,” sambit na lang niya.

Is Sarah really the one for him?

“Oo naman,” mabilis na sagot ng aktor. “’Yun nga, ‘yung bond namin ni Sarah, at this point, unbreakable na ‘yung bond namin. ‘Yung base ng relationship namin, very strong. ‘Yung foundation ng relationship namin, very strong.

 â€œKung baga, marami kaming pinagdaanan in a span of one year and a half. Kung baga, nasubukan kaming dalawa. So, masasabi ko na talagang very strong ang bond namin and we just want the best for each other right now. I want the best for her, she wants the best for me.”

Bukod sa It Takes Gutz to be a Gutierrez reality show ay may pelikula ring ipalalabas si Chard sa July 2, ang Overtime under GMA Films opposite Lauren Young.

Sa ngayon ay freelancer si Richard at walang kontrata sa kahit anumang network. Pero may kontrata pa raw siya sa GMA Films hanggang September.

Matagal-tagal na ring hindi napapanood si Chard sa serye since wala na nga siya sa GMA 7 at aminado naman siyang nami-miss niya rin.

“Nami-miss ko rin siyempre ang primetime show gabi-gabi dahil alam kong ‘yan ang nagpapa-excite sa mga Filipino viewers, pero kasi, to be honest, ‘yung Philippine soap operas natin, grabeng kumain ng oras, eh.

“As in wala kang buhay for the next 4 or 5 months and puyat ka. So, nami-miss ko ‘yung samahan ng grupo, nami-miss ko ‘yung proseso.

“Although masaya rin ako ngayon na nako-kontrol ko ang oras ko. And naka-focus nga kami dito sa E! and then, marami ring opportunities outside the Philippines, so for now, ‘yun muna ang focus ko. And making movies.”

May mga offers daw sa kanyang mga pelikula, one under GMA Films and one from another production company. So, after It Takes Gutz to be a Gutierrez ay baka raw gumawa siya ng movie ulit.

 

Show comments