Wansapanataym mapapanood na tuwing linggo

MANILA, Philippines - Simula ngayong Mayo 25, mapapanood na ang ‘original storybook ng batang Pinoy’ na Wansapanataym sa bago nitong araw, Linggo, tuwing 6:45 pm.

At sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents My Guardian Angel ngayong Linggo, lalong magiging komplikado ang samahan ng mga karakter nina Andrea Brillantes at Raikko Mateo ngayong matutuklasan na ni Ylia (Andrea) na may super powers si Kiko (Raikko). Aaminin ba ni Kiko kay Ylia ang sikreto ng kanyang pagkatao kahit kapalit nito ay ang pagkawala ng kanyang kapangyarihan bilang anghel?

Tampok din sa ‘My Guardian Angel’ sina Mylene Dizon, Ejay Falcon, Ketchup Eusebio, Ruby Rubi, Gerard Pizarras, Abby Bautista, Racquel Pareño, Lui Villaruz, Dale Badillo, Jovic Susim, at Vangie Martell.

Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksyon ni Jon ‘Sponky’ Villarin.

Show comments