Bella walang balak pakasal

Ayaw magdetalye ni Bella Padilla tungkol sa break-up ng pinsang si Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa birthday presscon na ibinigay ng GMA sa kanya. Nagkausap na ba sila ng pinsan? 

Kababalik pa lamang daw ni Kylie at hindi pa sila nagkakausap, naging good friends din daw sila ni Aljur nang ginawa nila ang Machete pero sa palagay niya may dapat ipaliwanag ang actor sa kanyang pinsan.

Bella turned 23 last May 3 at maaga raw dumating ang birthday blessings sa kanya.  Bukod sa katatapos lamang mag-showing ng indie film nilang Bang Bang Alley, ilang days din siyang nag-taping sa Singapore TV ng 14 episodes ng Point of Entry where she played a student from Manila. 

Nagsimula siyang bida pero nagkaroon ng twist ang character niya at naging kontra­bida. 

Marami raw siyang natutunan sa pagti-taping doon. Maganda rin ang working schedule doon na may cut-off ng 10:00 p.m.

“Pero pinakamagandang birthday gift ko ang project na makakatambal ko si Dennis Trillo (Sa Puso ni Dok),” say ni Bela. 

 â€œDennis and I will play doctors.  In line ito sa advocacy ng GMA News TV na magpakita ng semi-documentary series tulad ng Bayan Ko at Titser. It will be directed by Adolf Alix, Jr. who will also direct Cain at Abel na makakasama ko naman sina Aljur at Alden Richards.

“May isa pa akong movie na gagawin, ang Barbara (re-imagination ng Patayin Sa Sindak si Barbara ni Celso Ad. Castillo at ididirek ng anak niyang si Chris Castillo). 

“Pinanood ko ang original movie nito played by Ms. Susan Roces at nagkamali akong pinanood ito na mag-isa lamang ako at 3:00 a.m. takot na takot talaga ako.”

Happy ang love life ni Bela with boyfriend of almost two years na si Neil Arce, pero wala pa raw silang balak magpakasal dahil she’s too young pa to get married. 

 

Kuya Germs maraming sasagutin tungkol kay Jake

Mamayang gabi na ang grand launch ng bagong primetime drama series na Niño at hihingin namin ang paliwanag ni German “Kuya Germs” Moreno sa mga issues sa kanya at sa talent niyang si Jake Vargas. 

Pero thankful si Kuya Germs na muli siyang binigyan ng primetime show ng GMA7 at muling makasama ang the Original Queen of Philippine Movies, his best friend and kumare, si Ms. Gloria Romero at ang bagong tween actor na si Miguel Tanfelix, as Niño kasama ang batang actor na si David Remo as his Tukayo.  Mapapanood na ang Niño simula sa May 26, kapalit ng Carmela.

Show comments