Tinandaan ng mga baklita ang sinabi ng staff ni Manila City Mayor Joseph Estrada na magkakaroon ng beauty pageant para sa mga bading, ang Miss Gaynila na idaraos sa December 2014.
Ayaw paawat ng mga bading nang malaman nila na may search for Miss Manila 2014 ang City of Manila. Hindi sila nagpatalo dahil kailangan na belong sila.
Hindi nabigo ang mga vaklush dahil pinag-aaralan na ng City of Maynila ang Miss Gaynila.
Sa rami nang magagandang baklita sa Maynila, siguradong dudumugin ang Miss Gaynila ng mga gay na nangagarap na magkaroon ng beauty title, sash, at korona.
Mga estudyante, puwede sa Miss Manila
Puwedeng mag-join sa Miss Manila 2014 ang mga kababaihan na hindi nakatira sa Maynila pero nag-aaral sa mga eskuwelahan sa Maynila, for at least two years.
Good news ito para sa girls na isinilang at nakatira sa malalayong lugar o probinsya. May chance sila na maging Miss Manila, basta nag-aaral sila sa mga university o school sa Maynila.
Malalaking premyo ang naghihintay sa lucky girl na tatanghalin na Miss Manila. Magiging representative pa siya ng City of Manila sa mga mahahalagang event.
Baka maulit ang nangyari kay former First Lady Mrs. Imelda Marcos na tubong-Leyte, nag-aral sa Maynila, sumali sa Miss Manila, naging runner up, binigyan ng sariling at hindi nagtagal, naging first lady ng bansa. Hindi malabo ang iniisip ko dahil history repeats itself ‘no!
Paalam Mama Nene…
Nakikiramay ako sa mga naulila ni Mrs. Azucena Vera Perez na kilala sa movie industry bilang Mama Nene, ang producer ng Sampaguita Pictures.
Mama Nene ang tawag ko sa kanya dahil itinuturing ko ang sarili ko na adopted daughter nila ni Doc Jose Perez na nauna nang pumanaw.
Ninety-six years old si Mama Nene nang sumakabilang-buhay siya, kahapon nang madaling-araw.
Nakaburol ang kanyang labi sa favorite church niya sa Mt. Carmel Church na hindi kalayuan sa bahay nila sa Valencia Street, Quezon City.
Bumuhos ang pakikiramay kina Manay Ichu (Marichu) VP Maceda, Lilibeth VP Nakpil, Chona VP Ampil, Cong. Gina VP de Venecia, at Pepito Vera Perez nang kumalat ang balita tungkol sa pagpanaw ng kanilang mahal na ina.
Ibuburol si Mama Nene sa Mt. Carmel Church hanggang sa Biyernes, dadalhin siya sa bahay niya sa Valencia St. sa Sabado at ililibing kinabukasan, araw ng Linggo.
Malaki ang kontribusyon ni Mama Nene sa pag-unlad noon ng industriya ng pelikulang Pilipino. Maraming mga artista ang pinasikat ng Sampaguita Pictures at milyun-milyong Pilipino ang pinaligaya ng kanilang mga pelikula. (Nakikiramay po ang buong PSN and PM staff sa pamilya Vera Perez. – SVA)
Cristine hindika pani-paniwalang walang BF
Mahigpit ang pakiusap ni Cristine Reyes na “no personal questions†sa presscon kahapon ng EB Advance ng Ever Bilena CosmeÂtics Inc. pero wala siyang nagawa dahil tinanong pa rin siya ng mga reporter tungkol sa kanyang love life.
Sinagot naman ni Cristine ang mga tanong. Wala siyang boyfriend at admirer lamang niya ang basketball player na nali-link sa kanya.
May mga naniniwala at may nagtaas ng kilay sa sagot ni Cristine. Hindi makapaniwala ang mga reporter na walang boyfriend ang isang maganda at seksing babae na katulad niya.
At dahil siya ang endorser, ipinagmalaki ni Cristine na gumaganda ang kanyang pakiramdam dahil sa brand ng make-up na ginagamit niya, ang EB Advance.