Tiyahin ni Spider-Man, pinakabagong bibigyan ng Star sa Hollywood Walk of Fame

Sa wakas at nabigyan na rin ng kanyang sariling Star on the Hollywood Walk of Fame ang two-time Oscar best actress winner na si Sally Field.

Five decades nang namayagpag ang 67-year old actress sa Hollywood kaya deserve na niya na makuha ang ika-2,524th star dahil sa mga pamosong roles na ginawa niya sa silver screen.

“I’ve ridden the highs, and tried to learn from the lows. I’ve done a love scene with a pelican. But then I’ve also done a love scene with Paul Newman.

“I’ve worked my whole life, and feel the many miles I have accumulated in this saddle. And I can tell you… in these last 50 years I have not ever, not once considered changing my mind.”

Nagsimula si Sally Field bilang isang TV actress in 1965. Pinakasikat niyang role ay ang pagganap niya as Sister Bertrille in The Flying Nun in 1967.

She first gained recognition sa pagganap niya sa TV movie na Sybil in 1976. Nanalo siya ng Emmy Award para sa kanyang role bilang isang babae na may sakit na Dissociative Identity Disorder.

In 1979, napanalunan niya ang kanyang unang Oscar best actress bilang isang union worker sa pelikulang Norma Rae. Nagwagi siya ulit as best actress in 1984 for Places in the Heart.

Kasama sa cast ng The Amazing Spider-Man 2 si Sally Field bilang si Aunt May.

Chef Boy hindi nababakante

Kahit na nagpaalam na ang cooking show ni Chef Boy Logro na Kusina Master, napalitan naman ito nang mas malaking show na Basta Every Day Happy.

Hindi lang isa sa mga host si Chef Boy kundi meron pa rin siyang cooking segment at makagagala siya sa iba’t ibang mga palengke sa Metro Manila.

Sa tanong kung hindi ba siya napapagod sa araw-araw na trabaho sa TV, sagot ni Chef Boy ay hindi raw dahil mahal na mahal niya ang kanyang ginagawa.

“Bukod kasi sa TV, may mga mina-manage rin akong restaurants at may culinary school pa ako na inaasikaso.

“Sabi nila na sa edad ko ngayon, dapat nagpapahinga na lang ako or ini-enjoy ko na lang ang mga kinikita ko.

“Pero mas gusto ko talagang may ginagawa ako. Hindi ako sanay na nasa bahay lang na walang ginagawa.

“Alam ‘yan ng misis ko na hindi ako puwedeng nasa bahay lang or parating nagbabakasyon. Alam niya na passion ko ang trabaho kaya very supportive siya sa akin parati,” ngiti pa ni Chef Boy.

Pero kahit super busy ang schedule ni Chef Boy, may panahon pa rin siya para sa kanyang misis. Hindi raw nawawala ang kanilang lambingan kahit na pagod siya sa trabaho.

“Yun naman ang hindi puwedeng mawala. Kapag may libreng time ako, nagde-date kami ni misis.

“Yung lambingan, hindi puwedeng mawala ‘yan. Magiging boring ang buhay namin kapag walang lambingan.

 â€œSi misis naman, parati naman siyang sumasama sa akin sa taping dahil siya ang personal na nag-aasikaso ng mga gamit ko.

 â€œKaya alam niya ang mga ginagawa ko kaya hindi siya masyadong nagiging demanding.

“Pero kapag bumawi naman ako sa kanya, tiyak na sobra-sobra ang pagiging happy niya!” pagtatapos pa ni Chef Boy Logro.

Steven Silva may ipinalit na kay Diva

Break na pala talaga si Steven Silva at ang girlfriend niya for two years na si Diva Montelaba. Last year pa raw sila naghiwalay at mutual decision iyon ng dalawa.

May bagong karelasyon na si Steven at isa itong 19-year old film student ng College of Saint Benilde.

“Eight years ang gap ng age namin. I’m 27 and she’s 19. But we get along well. We have many things in common.

“I’m starting with a fresh relationship but what Diva and I had before was something special. ‘Yun lang we have to end it but we’re good friends naman,” diin pa ni Steven.

Kasama si Steven sa eight-part musical series na The Boston: The Kitchen Musical na ipalalabas this coming June sa Lifestyle Network.

 

Show comments