Haba ng hair ni Mayor Herbert hinahabul-habol ni Kris!

Pinag-uusapan na naman ang post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram last Sunday, kung saan ay may binabati siyang espesyal na tao sa kaarawan nito.

Bagama’t walang pangalang tinukoy si Kris kung sino, marami ang naniniwala na patungkol ang message kay Mayor Herbert Bautista dahil may mga nagkomento na May 12 (kahapon) daw ang birthday ni Bistek.

Ang post ni Kris ay isang quote na nagsasaad ng “I will always have this piece of my heart that smiles whenever I think about you.”

Kasama nito ang photo caption na ganito naman ang nakasaad:

“You admitted to me you still check my IG, so here’s hoping you do get to read this... You made my birthday extremely special & memorable just because you were there... I may not be around, and we’ve distanced ourselves on purpose but nevertheless you do know how I continue to pray for your success, peace of mind & heart, and lasting happiness... Happy Birthday! #may122014”.

Kasunod nito ay nag-post muli si Kris kung saan ay nakalagay ang mga salitang “I just wanted to say. . .Thank you.”

Ang kalakip namang photo caption nito ay ganito ang nakasaad:

“For the effort, for the friendship & attention, for the intelligent, mature conversation & for being a gentleman... I couldn’t go to sleep without saying THANK YOU for making time for me today. I appreciated it very much. Good Night.”

Whew! Haba ng hair ni Bistek!

Marjorie bumuwelta sa bentang na pagpatay ni Claudine

Isa pang pinag-uusapan ngayon ay ang interview ni Claudine Barretto sa Buzz ng Bayan kung saan ay marami siyang sinabi kabilang na nga ang rebelasyon na fake raw ang unang kasal nila ni Raymart Santiago noong 2004.

Ang katuwiran ni Claudine, late raw kasi na-register ni Raymart. Taong 2006 na raw nito na-register, isang buwan bago ang 2nd wedding nila ng Marso nang taong ‘yun.

Kaya all the while, akala raw niya ay kasal siya kay Raymart pero niloko raw siya nito pati na ang buong sambayanan.

Sinabi rin ni Claudine na pinakagalit daw siya sa kapatid niyang si Marjorie Barretto dahil tinanggalan daw siya ng karapatang makita ang mga pamangkin niya rito.

“Sa lahat-lahat ng tao, kay Marjorie ako pinakagalit kasi pinag-away kami ni Gretchen (Barretto). I said some painful things to my sister which I will forever regret. I always made life easy for my sister, for Marjorie. But she killed me the day na tinanggal niya ‘yung karapatan ko to see my nieces na pinalaki ko. Nakalimutan niya ako, ‘yung ako talaga,” she told Buzz ng Bayan host Boy Abunda

“I grieved for her. Pinatay ko na siya sa buhay ko. I would never ever do anything to hurt my nieces,” say ni Claudine.

Nagpadala naman ng statement si Marjorie sa Buzz ng Bayan denying Claudine’s accusation.

“Claudine, you never borrowed my children. You never even tried or called them. I never deprived you of seeing my children. Never. Please don’t claim to love my children when not too long ago, you tried too hard to destroy them,” ang statement ni Marjorie.

Ilang oras pagkatapos ng panayam ni Claudine sa Buzz ng Bayan ay nag-post si Marjorie sa kanyang Instagram account na ganito ang nakasaad:

 â€œI will protect you with all my might, and I will never speak ill of anyone of you no matter what. I will never do anything to cause division in our family, I will only promote peace when there will be misunderstandings. I will love each of you equally and unconditionally. Thank you Lord for my children... My life.”

Show comments