Dingdong tatlong taong may commitment kay P-noy

Nag-thank you si Dingdong Dantes matapos namin siyang batiin sa pagka-appoint sa kanya ni Pangulong Noynoy Aquino bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission. Tatlong taon ang term na ibinigay sa kanya. Hindi naman bago ito kay Dingdong dahil matagal na niyang itinayo ang kanyang Yes Pinoy Foundation na ang pangunahing layunin ay tulungan ang mga youth at ang kanilang education.

Sa kabila nang  kaabalahan niya sa negosyo at taping ng Ang Dalawang Mrs. Real, patuloy ang pag-aasikaso niya sa pagpapatayo ng two-story school building sa Estancia, Iloilo na hopefully ay mai-turn over na nila bago magsimula ang school year. 

On-going pa rin ang isa pang project ng kanilang foundation, ang One Chair, One Child na naipangako rin niya sa mga students doon.  

Nagsimula na rin pala si Dingdong mag-shooting ng Kubot: The Aswang Chronicle na dinidirek ni Erik Matti with new leading lady, Isabelle Daza.

Sa rami ba nang ginagawa ni Dingdong, may time pa siya na makasama ang girlfriend na si Marian Rivera? 

Hindi raw sila nawawalan ng time ni Marian to be together, kahit ilang oras lamang.

Hosts ng BEH pagsasayaw ang kinatatakutan

Ngayong umaga na ang pilot telecast ng bagong show na magpapa-happy sa mga manonood araw-araw, ang Basta Every Day Happy (BEH) simula 11:00 a.m., bago ang The Ryzza Mae Show sa GMA7. 

Challenge ang programa sa apat na hosts, sina Donita Rose, Gladys Reyes, Alessandra de Rossi, at Chef Boy Logro dahil isa itong morning talk/variety show. 

Ayon sa tatlong ladies, kung talk lamang, game sila dahil tsikahan daw lamang ito, pero ang challenge talaga sa kanila ay ang pagkanta at pagsayaw dahil hindi naman nila forte ito. 

Ganoon din si Chef Boy, makikipagkumpetensiya raw siya sa pagluluto, pero ang pagsayaw, iyon ang talagang hindi puwedeng hindi niya pag-aralan.

Sa pagluluto, palaban si Donita dahil isa na siyang chef back in Las Vegas. 

Ayaw pa munang magsalita ni Donita kung ilang buwan lamang siya talaga maaaring mag-stay sa Pilipinas dahil naiwan niya ang asawa at mga anak sa Las Vegas. 

Si Alessandra naman ay nagsimula na ring mag-taping ng Ang Dalawang Mrs. Real at si Gladys ay nagti-taping naman ng Kambal Sirena. May cooking show pa rin si Chef Boy Logro sa GMA News TV.

Show comments