Petra Halimuyak nakikipag-baliwan kay Fabio Ide

Handa nang magbagong image si Ashley Rivera o nakilala over sa YouTube as Petra Halimuyak.

Ang Viva Artists Agency na ang huma­hawak sa kanyang career at bibigyan siya ng image na mala-Rufa Mae Quinto na isang sexy comedienne.

“Okey lang po sa akin ang sundan ang mga yapak ni Rufa Mae. Kasi wala namang ibang katulad niya even before, ‘di ba?

“Unang-una, lukaret naman ako in real life. Talagang masayahin ako at mahilig akong makipagtawanan.

“Siguro kaya ko na-create ang Petra Halimuyak character dahil na rin sa quirky personality ko.

“Pero yun, gusto kong mabawasan na ang pagiging Petra at makilala naman nila ang tunay na Ashley,” ngiti pa niya.

Sa ngayon ay napapanood sa isang cable game show sa Viva Channel si Ashley kasama si Fabio Ide na Dobol or Samting. Enjoy si Ashley sa kabaliwan nila ni Fabio sa show dahil anything goes nga sa game show nila.

 â€œKahit sa gitna kami ng kalsada nang kung saang barangay, enjoy kasi masang-masa ang show at enjoy ang mga contestants namin na hand-picked namin sa location ng show.

 â€œPareho pa naman kami ni Fabio na baliw kaya nagkasundo kami agad. Kaya anything goes sa show namin.”

Waiting pa si Ashley ng movie or TV show na gagawin niya. Feel niyang pumasok sa Bahay ni Kuya ng PBB para ma-experience naman daw niya ang na­turang show.

 

Show comments