Boobs ni Rufa Mae, biglang lumiit!

Nakararamdam na raw ng pananakit ng kanyang dibdib, at natakot din siyang maging cancer iyon kaya nagpa-opera na si Rufa Mae Quinto ng kanyang boobs para alisin ang implant na ipinalagay niya noong araw. Ginagawa iyan ng mga artista kahit na noon dahil sa kagustuhan nilang ma-enhance pa kung ano ang mayroon sila, pero talagang delikado ang ganyang implants.

Noong panahong iyon ay sinasabi ng mga doctor na safe iyan, na walang magiging complications, dahil iyon lamang ang abot ng kaalaman nila noon. Wala pa silang nakikitang masamang epekto, pero sa pagdaan ng panahon at saka lumalabas ang mga negatibong epekto. Mabuti naman at hindi cancer ang naramdaman ni Rufa Mae, talagang nagsisimula pa lang na sumakit iyon, at tama ang desisyon niyang alisin na ang implants.

Arnold priority ang mga batang may diabetes

Sa panahong ito, hindi puwede iyong newscaster o commentator ka lang. Ngayon, ang mga news personalities ay may iba nang image, hindi puwede ang puro daldal lang, kailangan may ginagawa rin. Kung wala kang gagawin, walang makikinig sa’yo.

Palagay namin iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit nananatiling mataas ang popularidad ni Arnold Clavio. Hindi mo masasabing perfect iyang si Arnold eh, nagkakamali rin siya kagaya nga noong minsan, kinagalitan niya ang isang abugadong ini-interview niya. Pero hindi maikakaila na marami naman siyang magandang ginagawa.

Isa na nga iyong ginagawa niyang pagtulong ngayon sa mga batang may Type A diabetes. Ito iyong mga batang hindi tama ang functions ng katawan at hindi nagpo-produce ng insulin. In short para manatili silang buhay, insulin dependent na sila. Kailangang lagi siyang may isinasaksak na insulin sa araw-araw. At napakamahal ng insulin, kaya sa totoo lang marami ang napababayaan na lang lalo na nga iyong mga mahihirap na gustuhin man nila, wala naman silang pagkukunan.

Ngayon, ang ginawa ni Arnold, sa pamamagitan ng kanyang Igan Foundation, na alam naman nating napakarami nang natulungan, gumawa siya ng proyekto para matulungan ang mga batang may Type A diabetes. Nakikipagtulungan siya ngayon sa UP-PGH, at sa isang kumpanya ng gamot na siya namang gumagawa at nagbibigay sa kanila ng insulin na mababa lang ang halaga. Malaking bagay iyon, sabi nga ni Igan. Hindi lang  ang mga batang tinutulungan nila ang makikinabang, kung ‘di ganoon din ang iba pang may sakit na diabetes na insulin-dependent na rin. Kasi talagang ngayon lang nagkaroon ng murang insulin.

Maraming mga batang may sakit ang makikinabang diyan. Sa ngayon sinasabing ang tinutulungan nila ay isandaang mga bata na. Kaya nga mayroon siyang “adopt-a-child with diabetes” campaign, para mas marami pang matulungang mga batang may sakit. Alam namin, dito naman sa atin ay marami pa ring may sobrang pera at may ginintuang puso, at maraming mga mag-asawang walang anak na gustong makatulong sa mga batang may sakit, at makukumbinsi ni Arnold ang mga iyan na tumulong.

 

Show comments