Hindi napigilan ang sarili Derrick ‘kumain’ ng sariwang manok

MANILA, Philippines - Grabeng eksena ang ginawa ni Derrick Monastario noong abutan namain sa may Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan para sa pelikulang Full Moon ng Lovely Nell Production. Kumain siya nang sariwang manok na kapapatay lang. Sabi pa nga ni Derick, ang sarap-sarap. Ngek!

Tipong pang-twilight zone ang role dito ng actor, vampire siya at kapag inaatake lalo’t full moon ay humahanap ng sariwang dugo. Humahanga ang mga taong nanonood kay Derrick. Barakung-barako raw. ‘Yung ibang mestizo actor, kapag may ganitong eksena, kaagad humihingi ng alcohol at tipong diring-diri. Walang ganung attitude ang binatang anak ng dating aktres na si Tina Monasterio.

Sa action scene naman, humanga ang stuntman na tauhan ni Direk Dante Pangilinan lalo na si Danny Zubrano na fight ins­tructor ng pelikula, madali raw turuang mag-aksyon si Derrick. Hindi malamya, hindi madaling mapagod.

Galing sa angkan ng vampire si Derick, kasama sina Eric Fructuoso at Mike Magat sa pelikula. Si Mike ang pinaka-head ng mga vampire sa Full Moon. Ayaw niyang ma-in love is Derrick kay Barbie Forteza dahil taong normal ito. 

Mabait din daw kausap ang manager ni Derrick na si Manny Ballestero walang kiyeme, walang pretension na pahihirapan ka bago makuha ang alaga niya.

Sa May 7, showing na sa SM Malls ang naturang pelikula. Pinuri ni Movie and Television Review Classification and Board (MTRCB) Chairman  Toto Villaruel ang naturang pelikula ni Direk Dante. Malinis daw ang pagkakagawa, at hindi boring.

Joyce si Ken ang bagong ‘tadhana’?

May bago na namang movie si Joyce Ching, ang pelikulang Tadhana kung saan katambal niya si Ken Chan.

Tila yata dumarami ang movie ni Joyce na siya ang bida. Ibig sabihin, may tiwala ang mga producer sa kanya. Tipong hindi sila malulugi kapag si Joyce ang bida.

Ang producer ni Joyce ng movie na Tadhana ay si Randy Mendoza na taga-Talavera, Nueva Ecija na magaling sa computer. Si Randy din ang producer ng Kamandag ni Venus, tampok si Rajah Montero. Balak din niyang gawin ang pelikulang Selfie na usung-uso ngayon.

Sa pelikulang Tadhana, ipinakita ni Joyce ang natatago niyang galing sa acting. Kung sa mga teleserye ay pulos ligawan at awayan ang kalimitang role na naibibigay sa kanya, iba naman dito sa Tadhana.

                             

Show comments