Mga anak ang kawawa, isyu ni Tetay at Bistek dapat mawala na

MANILA, Philippines - Nakakagulat kung totoo ang tsismis na labis ang pagkahumaling ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kay Kris Aquino. Ni sa hinagap, hindi namin akalaing hahantong sa ganito ang pagka-in love ni Bistek kay Kris.  Totoo ba ito o kathang –isip na naman ito?

Nag-iba na raw ang ihip ng hangin, talagang si Herbert na raw ang naaligaga sa pagtawag kay Kris?

Marian, dapat magsumikap ‘mag-aral’

Ipinasok na rin lamang si Bea Binene sa Carmela para madugtungan ang teleseryeng matatapos na sana, magandang idea na ituloy ni Marian Rivera ang kanyang pag-aaral ng abogasya. Tutal, kahit sa kabila ng kahirapan, nagpupursigi siyang makapag-aral sa kanilang serye. Kaso noong pumasok si Alden Richards sa buhay niya, parang nawalan na siya ng interes sa pag-aaral. Dapat niyang patunayan at magsumikap sa pag-aaral para huwag mata-matahin ng pamilya ng aktor.

Parang totoong buhay ‘di ba.

Show comments