Alwyn sasabak na sa professional boxing

MANILA, Philippines - ‘Di dapat palagpasin ng mga boxing fans ang episode ng Beki Boxer ngayong Biyernes (May 2) dahil sasabak na si Alwyn Uytingco sa ring ng professional boxing.

Matapos magtagumpay si Coach Dalmacio (John Regala) sa kanyang masasamang mga plano sa pamilya ni Rocky Ponciano (Alwyn Uytingco), mapipilitan si Rocky na agarang sumabak sa mas palaban at mas kumplikadong mundo ng professional boxing. At kahit pa mas nalalapit si Rocky sa kanyang mis­yon na maging isang world-class champion boxer, mas titindi naman ang kanyang mga pagsubok na kakaharapin sa panibagong yugto ng kanyang boxing career.

Kilala bilang ‘The Tsunami’ sa mundo ng Beki Boxer dahil narin sa kanyang signature tsunami punch, makakaharap ni Rocky ang real-life boxing legend at WBC Silver World Champion Denver “The Excitement” Cuello.

Si Cuello, 27 years old, ay may record na 33 wins kung saan 21 ay knockouts. Gaganap ang Ilonggo boxing champ bilang Marvin ‘The Hammerhead’ Ortega. Isa lamang si Cuello sa listahan ng mga totoong boksingerong makakaharap ni Alwyn sa ring.

Huwag palampasin ang maaksyong bakbakan sa Beki Boxer ngayong Biyernes, 7 p.m. bago ang Confessions of A Torpe sa TV5!

Show comments