Nakabalik na ng bansa sina Lovi Poe at Rocco Nacino mula Europe kung saan nakapunta rin sila sa St. Peter’s Basilica. Para sa aktres nakapag-reflect din siya at nakita ang mga labi ni Blessed John Paul II.
Bata pa siya nang masaksihan ang pagdalaw ng Santo Papa sa Pilipinas noong 1995.
Sa kabilang banda excited na ang dalawa sa kanilang pagbabalik sa trabaho.
Angel, wala nang mahihiling pa
Naging napakabuting anak ni Angel Locsin at hanggang ngayon ay priority pa rin nito ang ama kaya naman hindi kami magtataka kung bakit sobra ang biyayang natatanggap niya sa buhay.
Kung tutuusin wala na siyang mahihiling pa sa buhay-stable ang career at happy ang love life. Baka nga sila na ni Luis Manzano ang magkatuluyan balang araw.
Kung meron mang kulang sa buhay si Angel ito ay ang edukasyon. Pangarap din kasi ng aktres na makapagtapos ng kurso at laging sinasabi na kapag may time ay magbabalik-eskuwela siya.
Mga nurses, hangang-hanga kina Jennylyn at Louise
Twenty two days akong nanatili sa Chinese General Hospital for congestion. Ang dahilan ng tubig sa baga ay dahil mahina ang aking puso. Mabuti na lang at hindi natuloy ang by-pass operation. Parang ‘di ko rin kakayanin.
Mababait ang mga nurses ng 4-A Station, magaganda pa sila at ang isa nga ay kahawig ni Louise delos Reyes. Ayon sa mga nurses kapag tapos na sila sa duty ay nagmamadali na silang umuwi dahil masugid silang viewers ng Rhodora X at Kambal Sirena. Nagagalingan silang umarte kay Jennylyn Mercado at Louise.
Mahalaga talaga siguro ang dasal kaya hindi na itinuloy ang by-pass operation ko.
Personal
Congratulations sa aking pamangking si Michael Angelo Abuan de Regla na anak ng kapatid kong si Eileen at Mike dahil nagtapos itong Magna Cum Laude sa F.E.U. last April 21, 2014 sa kursong B.S.E. major in English.