Atom, ipakikita ang dapat gawin kapag hinostage

MANILA, Philippines - Ipakikita ni Atom Araullo kung ano ang dapat gawin sakaling ma-hostage ka o kaya ang taong malapit sa ’yo ngayong Biyernes (Apr 25) sa Red Alert gaya nung nagdaang insidente kung saan hinostage ang isang bata ng kanyang tiyuhin.

Ibabahagi sa episode ang karanasan ng pamilya ni Malou nang isang araw, ang kanyang bayaw na si Emman ay biglang hinostage ang kanyang 11 taong gulang na anak kasama ang tatlong niya mismong anak at dalawa pang batang pamangkin.

Susubukan mismo ni Atom, sa pamamaraan ng isang simulation na gagawin ng Red Alert” team, kung paano makatatakas nang ligtas bilang isang domestic hostage gamit ang kalmadong isipan at ilang  Krav Maga self-defense techniques.

Alamin din mula sa mga eksperto ng Philippine National Police ang mga tips kung paano maging ligtas sakaling malagay sa ganitong sitwasyon.

 

Show comments