Tuwing tinatanong ang drama actress na ito tungkol sa kanyang mga naging ex-boyfriend, hindi niya sinasama ang isang aktor na sobra siyang sinaktan at pinaasa. Ginawa raw siyang tanga nito kaya ayaw niyang maisama ito bilang isa sa mga lalakeng minahal niya.
Ayon sa aming source, muntik na raw na maging suwail na anak si drama actress sa kanyang pamilya nang makilala niya ang naturang aktor na niligaw-ligawan siya at sinagot niya pagkatapos ng isang linggo. Nadala nga raw siya sa pagiging malambing at pagiging galante ng aktor.
“Naku, kahit sino naman mai-in love sa lalakeng iyon. Kahit saan man naroon ang drama actress, malayo man ang location ng taping niya, nararating ng aktor para dalawin siya. Kaya doon pa lang, nahulog na ang loob ni drama actress.
“Tapos laging may dalang flowers si aktor. ‘Yung mga mamahaling bouquet pa talaga. Kaya si drama actress, parating kinikilig. Tapos may dala pa yang pagkain para sa drama actress. Kung ano ang paborito niya, dadalhin ni lalake. Kaya naman kaagad siyang na-in love,†kuwento ng aming source.
Nang minsan naman daw na ma-pack up ng maaga ang drama actress, dinala siya ng aktor sa isang restaurant sa Tagaytay at may candlelit dinner na pinaayos ang aktor. Doon yata sinagot agad ng drama actress ang aktor. Sweet talaga ang aktor sa mga type niyang girl.â€
Pero nadismaya lang daw ang drama actress sa naturang aktor dahil hindi man lang daw siya nito pinaglaban sa kanyang pamilya. Hindi nga pabor ang pamilya ni drama actress sa boyfriend niya at ‘yun daw ang parati nilang pinag-aawayan.
“Handa nang lumayas si drama actress sa bahay nila at makisama na sa aktor. Pero sa sandaling iyon na kailangan na niya ang aktor, bigla itong nag-disappear!
“As in, nawala bigla ang aktor at nag-abroad. Iniwan niya ang drama actress sa ere. Kaya iyak nang iyak si drama actress kasi nga nagawa niyang ipaglaban ang aktor sa pamilya niya, pero ano ang ginawa ng aktor, basta na lang siyang iniwan at hindi man lang nito ipinaglaban ang pagmamahal niya. Basta nag-give up na lang ito at iniwan ang girlfriend niya. Ang bastos, ‘di ba? Parang hindi lalake ang hayup!†talak pa ng aming source.
Kaya paulit-ulit nga na iniisip ng drama actress kung totoo ba ang mga pinakita sa kanya ng aktor? O baka gusto lang siyang gawing next victim ng pambobola niya? Doon nga niya naisip na tama pala ang pamilya niya. Tama lang na nawala na lang si aktor dahil hindi pala siya kayang panindigan nito.
Kaya hindi nga maku-consider ni drama actress na naging ex-bf niya ang aktor dahil bigla na lang itong nawala at hindi na nagpakita sa kanya.
Enzo Pineda kinumpirmang naagaw sa kanya si Louise
Inamin na ni Enzo Pineda sa kanyang interview sa Startalk na ang dahilan ng paghiwalay nila ni Louise delos Reyes ay “third partyâ€.
Nilinaw din ni Enzo na si Louise ang nakipaghiwalay sa kanya and not the other way around.
Hindi na lang pinangalanan ni Enzo kung sino ang third party na iyon dahil alam niyang may ibang taong masasaktan.
Bahala na raw ang publiko na alamin kung sino ang third party na iyon. Hindi rin daw niya magawang mabanggit ang pangalan ng taong ito dahil pinasama raw nito ang loob niya at sinira nito ang tiwalang binigay niya.
Nakabuti ang paglipad ni Enzo to Las Vegas, hindi lang dahil sa pagsuporta niya sa laban ni Manny Pacquiao, kundi nagkaroon siya ng reunion kasama ang ilang kamag-anak na hindi niya nakita for more than ten years.
Sa isang photo nga na pinost ni Enzo sa kanyang Instagram account kung saan kasama niya ang kanyang mga pinsan, na-caption niya na masaya siya dahil napapaligiran siya ng mga taong totoong nagmamahal sa kanya.
Babalik nga agad si Enzo sa Pilipinas dahil may shooting siya ng isang indie film para sa Cinemalaya Independent Film Festival titled Sundalong Kanin.
Isa nga si Enzo sa maraming actors na nag-audition para sa role sa indie film na ito at masuwerteng siya ang napili ng director.
Kapalit ni David Letterman hindi makapaniwala
Si Stephen Colbert na ang papalit kay David Letterman kapag nagretiro na ito sa 2015.
The 49-year old host ng The Colbert Report ay natuwa dahil hindi niya ini-expect na siya ang napili ng CBS para umupo sa iiwang late night show ng 66-year old na si Letterman.
“Simply being a guest on David Letterman’s show has been a highlight of my career. I never dreamed that I would follow in his footsteps, though everyone in late night follows Dave’s lead.
“I’m thrilled and grateful that CBS chose me. Now, if you’ll excuse me, I have to go grind a gap in my front teeth,†sey pa ni Colbert.
Nagsimula si Colbert sa kanyang sariling show noong 2005. Matatapos na nga ang The Colbert Report eight months from now para mabigyan ng time si Colbert mag-prepare para sa pag-replace niya kay Letterman.
Ayon nga sa isang executive ng CBS: “Stephen Colbert is one of the most inventive and respected forces on television.â€
Umabot ng 20 years ang Late Night Show with David Letterman bago ito nagdesisyon na magretiro na sa television.