Male starlet, pinagpaguran sa mayamang bading ang lahat ng naipundar na gamit

Walang problema ang male starlet na ito na makapundar ng mga magagandang gamit kahit wala siyang pinagkakakitaan sa TV or pelikula dahil alaga naman siya ng isang madatung na bading na mahilig sa mga lalakeng starlets.

Ilang beses nang tinanong ang male starlet na ito kung meron ba siyang gay benefactor at panay ang pagtanggi nito. Lahat daw ng meron siya ay pinagtrabahuan niya.

Ang mali lang sa sinagot na ito ng male starlet ay wala naman siyang trabaho talaga.

Natatawa na lang ang mga taong alam ang mga nagaganap sa buhay ng male starlet. Alam nila kung kanino galing ang magandang kotse niya, ang mamahaling condo unit niya at ultimo ang underwear niya na signature brand ay bigay lahat ng kanyang gay lover na walang patumanggang ginagastusan talaga siya.

Kung noon nga raw ay mukhang gusgusin at mga hand-me-downs lang ang mga suot na damit ni male starlet, ngayon ay mga signature brands na, mula ulo hanggang paa!

“Siyempre, give lahat ‘yan ng madatung na bading. Pinagsa-shopping pa siya sa ibang bansa niyan. Kaya si male starlet, nagmukhang tao talaga. Hindi na siya nanghihiram ng damit.

 â€œTama naman ang sinabi ni male starlet na pinagtatrabahuan niya ang lahat ng meron siya. Trabaho sa kama ang ginagawa niya bilang kapalit sa lahat ng bigay ng baklang madatung!” pagtatapos ng source namin.

KC nagpakain at nagdiwang ng birthday sa Leyte

Naging makabuluhan ang pag-celebrate ni KC Concepcion ng kanyang birthday dahil dumayo siya sa Dulag, Leyte para sa isang feeding program na in-organize ng World Food Programme (WFP) Philippines para sa mga survivors ng bagyong Yolanda.

National ambassador si KC ng WFP Philippines since 2008 at nag-donate nga siya ng higit P3 million para sa nutrition programs ng WFP.

Sumama at tumulong si KC sa pag-distribute ng ready-to-eat supplementary food and micronutrient powder sa naturang lugar.

More than 8,000 families with 5,000 children ang naapektuhan ng bagyong Yolanda noong 2013.

Laging nakikipag-ugnayan si KC sa WFP tuwing merong nagaganap na mga relief operations. Inasikaso rin nila ang pagbigay ng pagkain noong tumama ang bagyong Sendong at bagyong Pablo.

Nagpa-auction pa si KC ng ilang mga personal niyang mga gamit sa eBay para makaipon pa siya ng mas malaking funds para sa magiging future feeding programs ng WFP.

 â€œKC brings synergy to our efforts in the country by promoting collaboration and taking initiatives. Her contribution enabled WFP to assist more families in the typhoon-stricken areas,” sey pa ng WFP Philippines representative and country director na si Praveen Agrawal.

Naghandog pa ng ilang awitin si KC para sa mga binisita niyang mga bata sa Leyte. Nag-post pa siya ng isang photo kung saan kasama niya ang ilang mga nandoon sa feeding program.

 â€œThe Filipino smile says a lot about our resilience. Galing. Ang sarap makita ng mga smile ninyo, Tac­loban,” pag-caption pa ni KC sa kanyang instagram photo.

Dalawang pambato ng ‘Pinas sa Asia’s Next Top Model, Masaya kahit tinaob ng Malaysian model

Tinalo ng Malaysian model ang dalawang Pinay models sa finale ng Asia’s Next Top Model Cycle 2 na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang 22-year old blonde Malaysian na si Sheena Liam ang tinanghal na winner sa Cycle 2 ng ANTM at ito ang napili bilang “face of modern Asia” ng mga judges.

Marami ang nag-comment over social media na isang “hometown decision” ang nangyari dahil sa Kuala Lumpur nga ginanap ang finals at karamihan sa judges ay taga-Malaysia.

Nakakapagtaka raw dahil standout ang dalawang Pinay na sina Jodilly Pendre (1st runner-up) at Katarina Rodriguez (2nd runner-up) kumpara nga sa nagwaging si Sheena Liam.

Pero nag-tweet sina Jodi at Kat at nagpasalamat sa mga sumuporta sa kanilang dalawa. Masaya sila sa pagkapanalo ni Sheena dahil deserving naman daw ito dahil maganda rin daw ang kalooban nito.

 Ang mga napanalunan ni Sheena as the winner of ANTM Cycle 2 ay cash prize from FOX International Broadcast, a Subaru XV car, being the new face of TRESemmé, fashion spread and cover of Harper’s Bazaar Singapore/Malaysia and a three-month modeling contract with Storm Model Management in London.

 

Show comments