Vhong idinenay na tinanggihan at pinatsugi si Ellen sa trabaho

Vhong Navarro is in shape again matapos ang mabigat na pagsubok na pinagdaanan niya recently. Balik-pelikula siya under Star Cinema, ang Da Possessed na showing na sa April 19 kung saan ay siya ang bida at leading lady naman niya si Solenn Heussaff.

Nagkaroon na ng grand presscon para sa nasabing pelikula kahapon kung saan ay present ang main cast. Aside from Vhong and Solenn ay kasama rin sa movie sina John “Sweet” Lapus, Joey Marquez, Smokey Manaloto, Beverly Salviejo, Joy Viado, Empoy Marquez, at marami pang iba.

Aminado si Vhong na may trauma pa siya hanggang ngayon sanhi ng naganap na pambubugbog sa kanya kaya aniya ay napakalaki ng pasasalamat niya sa Star Cinema na binigyan siya ng pelikula para kahit paano ay mawala sa isip niya ang traumatic experience.

“Kasi, eto ‘yung gusto ko. Gusto ko, ’pag nakikita ako ng tao, ayoko ‘yung umiiyak ako. Ayoko nang maaalala ng tao ‘yung hitsura ko dati (nabugbog). Mas gusto kong makita ng tao kung sino ‘yung Vhong dati (komedyante). Kasi ang hangarin ko po sa buhay ay magpasaya ng tao. ’Yun lang po ang gusto ko eh,” say ni Vhong.

“Una po sa lahat, ang sarap uling magpasalamat sa Star Cinema dahil itinuloy pa rin nila ang movie after what happened sa buhay ko. At buung-buo ang tiwala nila at suporta sa akin – ang Star Cinema at ABS-CBN.”

Sa presscon ay nagkaroon din ng pagkakataon si Vhong na linawin ang tungkol sa isyung tinanggihan niyang maging leading lady si Ellen Adarna. Aniya ay management decision daw ‘yun at wala siyang karapatang magdesisyon ng mga ganyang bagay.

“Hindi totoong tinanggihan ko siya kasi wala namang kinalaman ‘yun sa... ayokong mamersonal pagdating sa ganun kasi trabaho ’yun eh. Artista si Ellen. So, bakit ko naman gagawin ‘yun?” pahayag ni Vhong.

Ayon sa comedian/TV host, ang alam daw niya ay nagkaroon ng conflict sa schedule ni Ellen kaya hindi ito natuloy sa movie.

“May soap yata siyang ginagawa at saka pelikula. Saka wala po akong desisyon sa mga ganyang bagay. Puwede po tayong mag-suggest pero ang may desisyon po talaga diyan, ang management,” say pa ni Vhong.

Aminado naman si Vhong na matagal na raw niyang gustong makasama si Solenn pero alam niyang nakakontrata ito sa Regal Entertainment, Inc.

“Si Solenn, everytime na nagkikita kami, gusto ko laging sabihin sa kanya na gusto ko siyang makatrabaho.

“Kaya thank you, Mother Lily (Monteverde) na pinahiram sa amin si Solenn,” he said.

Ayon naman sa mga kasamahan ni Vhong sa Da Possessed ay hindi raw nila pinag-uusapan sa shooting ang mga nangyari kay Vhong. Ito raw ang isa rin sa paraan ng pagsuporta nila sa co-star at sa shooting daw ay saya-sayahan ang drama nila.

Nakakaaliw si Sweet na gumaganap na multo sa movie dahil, say niya, sa mga scene daw na tinatakot niya si Vhong, talagang genuine daw ang takot na ipinapakita nito.

“Talagang, ’pag nagpapakita kami (as multo) sa kanya, talagang takot na takot siya. I’m sure mayroon siyang motivation do’n. Feeling niya siguro, nasa elevator siya,” say ni John at tigas talagang tawanan ng lahat.

Dagdag pa ni John, si Vhong at si Kris Aquino lang daw ang nakakagawa ng ganung acting kaya tawanan talaga lahat.

Wala namang masabi ang buong cast kay Solenn kundi puro papuri dahil wala raw yata silang makitang kapintasan sa aktres.

Si Solenn ang parang “mutya” ng lahat sa shooting bilang siya ang pinakamaganda roon at inggit na inggit sa kanya sina Beverly at Joy.

“Sabi ko nga sa kanya, i-enjoy niya lang ’yan, ’yung mga ilang araw na natitira sa shooting dahil sa last day asido na ang katapat niya,” sabi ni Joy.

Tawanan uli ang lahat.

Show comments