Lee Min Ho nag-promise ng teledrama kapareha ang Pinay

Kaya pabalik-balik sa Pilipinas ang Korean star na si Lee Min Ho ay upang mag-endorse ng mga produkto tulad ng Bench. Last week ay nasa Smart Araneta Coliseum siya, para lang to meet and greet his fans.

Ganoon karami ang kanyang mga tagahanga kaya kailangang isang malaking ve­nue. Nagkaroon din siya ng time i-promote ang bago niyang TV drama na Voice Over Flowers. This time curly haired sa show si Lee at iba rin ang character na kanyang ginagampanan.

Pangako ni Lee, inaayos ang posibilidad na makatambal niya ang isang Pinay sa isang teledrama to be co-produced by Korean and Pinoy financiers.

Gusto niyang magkaroon ng isang full-length live show when he returns to the country.

Parokya binigyan ng Magna ng MYX

Si Yeng Constantino ang nanalong favorite female artist with Bamboo as the favorite male artist sa katatapos na MYX Music Awards na ginanap sa Samsung Hall in SM Aura, Taguig City last Wednesday.

Ang Parokya ni Edgar ang pinagkalooban ng Magna Award (lifetime achievement na ibinigay kay Lea Salonga last year). Ang Eraserheads ang unang Magna awardee ng MYX.

Dalawang awards ang napanalunan ni Sarah Geronimo — favorite artist at favorite remake video for It Takes a Man and a Woman.

Pinakamaraming trophies na nahakot si Gloc-9 for Magna as favorite music video, favorite urban video, favorite song, and favorite collaboration (with Rico Blanco).

Ang nanalong new artist of the year ay si KZ Tandingan.

Raymond Lauchengco nagpapakilala uli

Panahon ng graduations kaya lagi na namang maririnig ang Farewell na biggest hit ni Raymond Lauchengco. Maganda ang timing sa release ng kanyang bagong album na The Promise.

Ang sabi ni Raymond, ‘‘It is a happy album’’, which is the best way to reintroduce himself to his new and loyal audience. Una siyang nakilala sa Bagets movie with Aga Muhlach, Herbert Bautista, and company, directed by Maryo J. Delos Reyes. Ngayon lahat sila ay may mga anak na at higit na lumawak ang pananaw sa kanilang trabaho.

At 17, sumikat si Raymond na kumakanta tungkol sa paghihiwalay at malungkot na pag-ibig. Masaya si Raymond ngayon na positive things on love ang tema ng kanyang mga kanta sa The Promise.

Viva naghahanap ng mga bagong artistahin

Naghananap ng mga bagong talent, from 11 to 17 years old, ang Viva Artists Agency. Mag-audition sa kanilang office on March 29, April 5, and April 12 from 10 a.m. to 3 p.m.

Baka suwertehin kayo at makasali sa Viva’s rosters of stars tulad nina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Cristine Reyes, at KC Concepcion.

Magdala ng whole body at close-up photos.

Boots at fiancé nagpa-pre-nup blessing

Naging higit na masaya ang 40th celebration ng MOWELFUND yesterday, March 29 dahil nagkaroon ng pre-nuptial blessing sina Boots Anson-Roa at ang kanyang fiancé na si Atty. King Rodrigo.

Ikakasal sila on June 14 with Cardinal Chito Tag­le officiating.

Bagong theme song ng Dyesebel puwedeng i-K-Pop

Ang original Dyesebel movie directed by the late National Artist for Film Gerry de Leon and starring Edna Luna, featured the song Awit ni Dyesebel, performed by Chinese artist Lola Young. It became a monster hit and paved the way for the Hong Kong star to have a successful career in the country.

Today, as the Dyesebel teleserye is being watched all over the country, puwedeng mag-compose ng bagong Dyesebel song na sana’y isang popular Korean singer ang kumanta. Usung-uso ngayon ang K-Pop kaya’t malaki ang maitutulong ng isang Koreanang matanggap all over Asia ang fantasy/teledrama starring Anne Curtis.

Please, huwag na lang ipakanta kay Anne with a magical voice!

Show comments