Julia hindi nawawala ang pagkabilib sa akting ni Claudine

Hindi nakikialam si Julia Barretto sa awayan ng kanyang nanay kina Gretchen at Claudine Barretto. Katuwiran nito, sana’y maayos na ang relasyon nila sa isa’t isa.

Lagi nitong sinasabi ang matinding pag­hanga pagdating sa akting ni Claudine.

“Kahit saan siya ilagay, sa drama man o sa comedy, ay maaasahan mo siya sa pag-arte,” ayon pa kay Julia.

Sa kabilang banda, umaasa ito na magiging maganda ang takbo ng kanilang pagtatrabaho ni Enrique Gil sa Mirabella. Pangako ng teen star na hindi siya magbabago sa pagdaan ng mga panahon kahit magtagumpay na ng husto sa buhay.

“Bugbog po ako sa pangaral ng aking mga magulang dahil alam din nila ang pasikut-sikot ng showbiz,” aniya.

Kahit hindi magkasama ang kanyang dalawang magulang ay open naman ang communication nilang tatlo ni Julia sa isa’t isa.

Mark nagsisipag dahil sa anak

Inspirado ngayon sa kanyang trabaho si Mark Herras. Maaga pa lang ay nasa set na ito ng Rhodora X dahil sa kanyang anak na babae. Dito umiikot ang mundo niya. Habang bata pa ay gusto na niyang paghandaan ang future nito.

Sa kabilang banda, masaya si Mark sa takbo ng kanyang TV career. Ang Rhodora X ay ’di mapapasubaliang mataas pa rin ang rating dahil sa kakaibang tema ng istorya.

Mula sa direksiyon ni Albert Langitan at orihinal na konsepto ni Dode Cruz, naglalarawan ito ng dissociative identity disorder na taglay ng bidang si Rhodora.

Maraming nagsasabing super galing na ni Jennylyn Mercado sa pag-arte lalo na sa pagsi-shift nito ng character mula kay Rhodora papunta sa alter ego na si Roxanne.

Show comments