Pinakamatagal na autograph-signing ang ginawa ni GMA Primetime Queen Marian Rivera ng copies ng FHM 2014 niya sa Robinsons Movieworld last Saturday afternoon. Usually kasi, one hour lamang ang allotted time sa autograph-signing ng mga artistang cover ng FHM. Naroon kami with some entertainment press kaya nakita namin kung gaano kahaba ang pila na umiikot sa kabuuan ng venue.
Ayon sa fans, as early as 12:30 p.m., mahaba na ang pila kaya pagdating ng schedule na 5:00 p.m. ay napuno na ang venue. To accommodate ang mga nagpapa-sign, sinabi na ng organizer na hindi puwedeng magpa-selfie kay Marian, i-picture na lamang ang Kapuso actress habang pinipirmahan ang FHM copy nila dahil kailangang matapos sila ng 7:00 p.m. Para ngang walang kapaguran si Marian dahil maaga pa ay nasa Eat Bulaga na siya dahil judge sila ng boyfriend na si Dingdong Dantes at Maricel Soriano sa Junior Pinoy Henyo Dance Grand Finals na ginanap sa Resorts World sa Pasay City.
Kahapon naman ay kasama si Marian ng family ni Dingdong na nag-attend ng college graduation ng aktor sa West Negros University in Bacolod. Today, balik-taping si Marian ng Carmela na gabi-gabi ay inaabangan ng televiewers kung ano ang susunod na pasabog sa bawat eksena. Sino kaya ang major character na mamamatay? Directed by Dominic Zapata, napapanood ang Carmela after Kambal-Sirena.
Ely ayaw solohin ang talent sa binuong pelikula
Matagal na palang dream ni Ely Buendia, bago pa siya nakilala bilang singer at band leader ng Eraserheads, ang maging isang filmmaker. Kaya katuparan ng kanyang dream ang pagdidirek niya ng Bang Bang Alley. Biro pa ni Ely sa launch and presscon ng indie movie, gusto niyang maging si George Lucas at humanga na siya sa mga magagandang pelikulang pinanood niya noong araw.
Hindi nawala ang dream niya kahit naging singer siya at ngayon ay itinuloy na niya iyon pero ayaw daw niyang mag-isa na magbigay ng talent kaya kinuha rin niyang maging direktor ang mga kaibigang sina Yan Yuzon at King PaÂlisoc.
Idinirek ni Ely ang Pusakal (Stray Cat) at artista niya bago pa naging Miss World si Megan Young at si Ms. Perla Bautista na parehong may dark past. Magkakatulungan kaya silang dalawa o magka-clash ang kanilang mga katauhan?
May special participation din ang musician sa kanyang episode. Sayang nga lamang na nakabalik na sa London, England si Megan, na excited sanang mag-promote ng kanilang movie. Aso’t Pusa’t Daga ang story ni Direk Yan with Bela Padilla, na muli ay gaganap bilang isang journalist tulad din sa 10,000 Hours shown at the Metro Manila Film Festival. Kasama niya sina Joel Torre, Art Acuña, at si Direk Yan himself na pinalitan ang nag-back out na si Enzo Pineda.
Ang episode naman ni Direk King ay Makina with Gabe Mercado, Kalila Aguilos, Althea Vega, Alex Vincent Medina, at Bombi Plata.