Toni isinuko na kay Lord ang proposal ni Direk Paul

MANILA, Philippines - Almost eight years nang magkarelasyon ang Queen of Multi-Media na si Toni Gonzaga at ang film director na si Paul Soriano at marami na nga ang nag-aabang sa pagse-settledown ng dalawang ito.

At ayon kay Paul, his next “big project” is to marry his long-time girlfriend. Nararamdaman daw niyang malapit ng maganap ang wedding sa kanila.

“Definitely, the next step in my life is the wedding. But I’ve got to propose first! Then we do the wedding. But (it will be) very soon,” pahayag ni Paul sa interview sa kanya ng ABS-CBN.

“It’s very hard to surprise a woman, so, I can’t really say so much about it. It’s got to be special.” 

Samantala, sa parte naman ni Toni, very vocal naman ito sa pagsasabing handa na siyang mag-settledown anytime soon at handa na rin siyang maging mother two to three years from now.

“Binibigyan ko talaga ang sarili ko ng time frame. Gusto kong magka-anak,” sambit pa ni Toni, sabay diin na ngayon daw ay hindi pa talaga sila engaged ng kanyang boyfriend.

“Hindi talaga promise. Sasabihin ko kapag engaged na.”

At bilang paghahanda sa buhay may-asawa ay palagi raw siyang nagbabasa ng mga libro tungkol sa marriage.

“Ako talaga, plano ako nang plano, hindi ko naman alam kung matutupad. Pero talagang totoo ’yan ha? ‘Many are the plans in a man’s heart but it’s always His purpose that prevails.’

“So, ako talaga this year — and the coming years — sabi ko, bahala na kayo, Lord. Ganoon talaga. I surrender talaga. I give up,” pahayag pa ni Toni.                                             

Show comments