MANILA, Philippines - Ayaw pang magsalita ni Kris Aquino sa lalaking inili-link sa kanya ngayon: Si Bataan Governor Abet Garcia. Binata si Gov. at annulled na naman ang kasal ni Kris kay James Yap kaya wala raw problema.
Pero matapos i-post ni Kris sa kanyang Instagram account ang picture nilang dalawa ni Gov. Abet, kinabukasan ay tinanggal na niya ito.
Blooming na blooming ngayon si Kris, bukambibig niya ang katagang “love, love, love†at halatang kapag love life ang paksa ng usapan, kilig na kilig ito.
Meryll todo-depensa kay Willie sa pagbebenta ng mga ari-arian
Pagkatapos mawala ang kanyang game show sa Channel 5, napabalita nang nalululong sa sugal si Willie Revillame. Nakapagpatalo pa ito umano ng P300M at minsan ay siya pa ang pinauwi ng casino sa Parañaque na kanyang pinagtatambayan. Depensa naman ni Willie, hindi raw siya nalululong sa sugal. Nasa casino lang daw siya para kausapin ang kanyang mga business partner.
Sa interview sa manager ni Willie na si Jay Montelibano, sabi nito, “Wala namang inaagrabyado si Willie magpunta man siya sa casino. Inaaliw lang niya ang sarili at paminsan-minsan lang siya magpunta roon. Naaliw siya dahil minsan ay nanalo nga siya ng isang kotseng Lamborghini.
Balita ring ipinagbibili na raw ni Willie unti-unti ang kanyang properties, gaya ng kanyang luxury car, Will Events Place, mga property sa Tagaytay. Gaano katotoo ito?
Ani Jay, “Mahirap mag-maintain ng mga gamit na hindi na ginagamit gaya ng kanyang chopper at dalawang properties sa Tagaytay. Kaya ipinagbibili na niya ito.â€
Ang anak ni WiÂllie na si Meryll SoÂriano ang may matinding depensa sa kanyang ama:
“It’s his prerogative! It’s his life. It’s his money! I don’t believe na ibinebenta niya ang kanyang properties dahil wala nga siyang work ngayon.â€