MANILA, Philippines - Marami ang nagulat nang i-announce sa ASAP last Sunday na engaged na ang Kapamilya singer na si Yeng Constantino sa non-showbiz boyfriend nito na si Victor “Yan†Asuncion. Mahigit na walong buwan pa lamang nagsasama bilang mag-sweetheart ang dalawa pero nag-propose na agad ang binata ng kasal kay Yeng.
Sa guesting nina Yeng at Yan sa Aquino and Abunda Tonight noong Martes ay nag-share sila ng kanilang saloobin sa isa’t isa. Sa lugar kung saan sila unang nag-date sa Bonifacio Global City, Taguig City daw nag-propose sa kanya ang boyfriend.
Halatang sobrang in love sa isa’t isa ang dalawa at blooming na blooming nga ngayon si Yeng.
“Actually, parang ano na eh... Sobrang decided na ako na I want her to be my future wife so, parang ayoko na patagalin. That was the feeling that I had when I proposed to her — that I can’t stand another day without telling her na that’s my heart for her,†pagkukuwento pa ng boyfriend ni Yeng.
Isang worship director sa Victory Christian Fellowship church kung saan member si Yeng at former band member si Yan kaya sila nagkakilala ng dalaga. First boyfriend ni Yeng si Yan at ganoon din naman ang binata na unang kasintahan ang singer.
Nang itanong ng mga host na sina Kris at Boy kung bakit siya napa-oo kaagad nang mag-propose ng kasal ang boyfriend, sagot ni Yeng ay naramdaman daw niya sa kanyang puso na ito na ang tamang panahon at tamang lalaki para sa kanya. Hindi rin daw siya nangangamba para sa kanyang career sakaling mag-asawa na nga siya.
“There’s something in me na para kong na-feel, ‘I’m not afraid anymore.’ ’Pag tinitingnan ko siya, it feels like he is worth it,†pahayag pa ng singer.
Nakatakda ang kasal nina Yeng at Yan sa first quarter ng 2015.