Kris nawala na ang init ng ulo kay James

MANILA, Philippines - Ayos na ang isyu tungkol sa visitation rights ni James Yap sa anak niyang si James “Bimby” Yap, Jr.  Nagkita sila ni Kris Aquino kamakailan at pinag-usapan nila ito.

“Every week ko nang madadalaw ang anak ko,” sabi ng basketbolista.

Nakatulong daw ang aura ni Kris ngayon kaya okay na sa kanya  na dalawin na ng tatay ang anak nila linggu-linggo.

“Nang makita ko siya, napansin kong masaya siya at hindi na ’yung dati. ‘Nag-iba yata ang ihip ng hangin ngayon, ah!’ sabi ko nga sa kanya, ’tapos okay na ’yung usapan namin,” masayang pahayag ni James.

Talaga raw nakabuti kay Kris ’yung may bago siyang manliligaw o boyfriend ngayon. Hindi na raw mainit ang ulo nito gaya nang dati.

                                                                             

Show comments