Maraming nanood ng Oscars natsipan sa ginawa ni Ellen Degeneres

“Hindi,” ang sagot ko sa mga nagtatanong kung nagustuhan ko si Ellen DeGeneres bilang host ng 86th Academy Awards.

Hindi ako nag-iisa dahil marami ang natsipan sa mga ginawa ni Ellen sa Oscars. Dalawang beses nang naging host si Ellen ng Oscars kaya ang feeling ko ay hindi na siya makakaulit.

Sa totoo lang, bored na bored ako habang pinapanood ko si Ellen dahil ginawa nito na Ellen ang Oscar Awards. Parang nasa sariling show lamang siya.

 

Robert Lopez proud sa lahing Pinoy

Hinihiling ng mga Pilipino na bumisita sa ating bansa si Robert Lopez, ang Academy winner sa best original theme song category.

Si Robert ang composer ng Let It Go, ang winning song mula sa hit movie na Frozen.

Proud si Robert na ipaalam sa buong mundo na half-Pinoy siya kaya proud din tayo sa kanyang achievements bilang musician.

Sana nga, magkaroon ng panahon si Robert na makadalaw sa Manila para ma-feel niya ang pagmamahal ng kanyang mga kababayan. 

Rachelle Ann laging binubuntutan ni Slater

Kumbinsido ang marami na boyfriend at hindi lang basta manliligaw ni Rachelle Ann Go ang Pinoy Big Brother (PBB) winner na si Slater Young dahil lagi itong nakabuntot sa dalaga.

Parang alam na alam ni Slater ang lahat ng mga lakad ni Rachelle Ann bago ito lumipad sa Miss Saigon.

Ka-join si Slater sa despedida party para sa singer ng aking best friend na si Pinky Tobiano. Dati nang magkakilala sina Mama Pinky at Slater pero lalo silang naging close nang ma-link ang binata kay Rachelle Ann.

Si Slater ang magiging third boyfriend ng singer-actress mula sa showbiz kapag sinagot siya ng dalaga. Si Christian Bautista ang unang naging boyfriend ni Rachelle Ann at sinundan ito ni John Prats.

 

Susan pumayag magbida uli sa Holy Week presentation ng TAPE

Nag-taping na si Susan Roces para sa Lenten presentation ng Eat Bulaga. Kasama ni Manang Inday sa Holy Week episode ang mahusay na child star na si Migz Cua­derno.

Sobra ang pasasalamat kay Manang Inday ng mga produ ng Eat Bulaga dahil tinanggap niya ang alok na magbida sa Lenten presentation ng No. 1 noontime show.

Noong nakaraang taon, si Manang Inday din ang bida sa isang drama show ng TAPE, Inc. na ipinalabas sa GMA 7 noong Holy Week. Si Ryzza Mae Dizon ang co-star niya sa nasa­bing TV special.    

 

Marian namigay ng supply ng fabric softener

Salamat kay Marian Rivera at Personal Collection dahil may guaran­teed month-long supply na ako ng fabric softener.

Sobrang dami ng mga ipinamigay na Sof & Mmmmm sa contract-signing kahapon ni Marian at ng mga bossing ng Personal Collection.

I swear, gagamitin ko ang mga produkto ng Personal Collection dahil sa endorsement ni Marian na talagang very effective na pampabango ng mga damit ang Sof & Mmmmm.

 

David Remo napurnada ang appearance pati sa AVP

Upset ang director na si Don Remo dahil hindi naipalabas kahapon sa presscon ng Personal Collection ang AVP (audio-visual presentation) na ginawa niya at tinatampukan ng kanyang child star na anak, si David Remo.

Ang sey ni Don, hindi siya nakialam sa pagpapalabas ng AVP na pumalpak dahil sa technical problem. Hindi namin narinig ang audio ng AVP na pinaghirapan ng fadir ni Binoy Henyo.

Hindi tuloy napanood ni David ang sarili sa AVP. Umapir pa naman ang bagets sa presscon dahil starring nga siya sa video na pinagpaguran ng tatay niya.

Nakilala si David nang magbida siya sa Binoy Henyo ng GMA 7. Hindi pa nasusundan ang television project ni David at kung bakit, ask n’yo na lang si Don.

Show comments