TV5 bukas sa short film ng mga estudyante

MANILA, Philippines - Ipinahayag ng News5 na bukas na ang News and Information headquarters ng TV5 para sa mga gustong maging docu-film maker sa pamamagitan ng isang short film competition mula sa college students.

Ang entries ay dapat inspirado ng Yaman ng Ba­yan, ang documentary series ng Kapatid Network na nagpapakita ng ating natural resources at humihikayat sa mga Pilipino na maging responsable sa paggamit ng mga yaman ng kapaligiran. Napapanood ito tuwing huling Sabado ng buwan sa ganap na 10:15 p.m.

Hino-host ng mga anchor ng TV5 na sina Luchi Cruz-Valdes, Patrick Paez, Paolo Bediones, Erwin Tulfo, Roby Alampay, at Twink Macaraig, ang Yaman ng Bayan ay isa lang sa mga sariling brand ng News5 na nagpapaalala sa atin kung gaano kayaman ang ating bansa.

Ang short film entries ay dapat pasok sa tagline na “Ano ang yaman ng bayan mo?” at naka-angkla sa mga natural na yaman ng Pilipinas tulad ng “land (majestic mountains, forest cover, fertile soil, energy source, precious metals and minerals); water (breathtaking beaches, underground rivers, marine life, dive sites, surfing, etc.); or people (diverse culture, world-class Pinoys, heroes, and survivors of calamities, etc.).”

Ang kompetisyon ay para sa mga estudyanteng naka-enrol sa kolehiyo ngayong academic year na 2014-2015. May nakalaang lima hanggang walong minuto lamang ang gagawing dokumentaryo o short film, sa Filipino (Tagalog) o sa lokal na dayalekto (pero may subtitle), at dapat ay maisumite bago o mismong Sept. 1.

Ang Board of Jury ay napapalooban ng film experts at representatives galing sa TV5 at mga sponsor. Tatanggap ng P25,000 ang mananalo habang may cash at consolation prizes din ang second at third placers. Log on to www.n5e.interaksyon.com para sa iba pang detalye.

Show comments