Cristine at Paulo natuto nang magsabi ng totoo

MANILA, Philippines - Nakapulot ng aral tungkol sa pagiging honest sina Cristine Reyes at Paulo Avelino nang pumasok sa teleserye ng ABS-CBN na Honesto.

 â€œAko, late na ako pumasok sa series. Pero I am very happy dahil nasama ako rito sa Honesto. Top-rating na siya kasi. Very happy lalo nun… na-maintain namin ’yon hanggang ngayon. Thankful kami lahat. Number one kami. Suwerte!” pahayag ni Cristine.

Alam ni Cristine na ’pag honest ang isang tao, “Safe ka palagi. Hindi ka malalagay sa alanganin. Ganoon din ’yung mismong show. Na ganito talaga ang buhay. Simple lang kung magiging honest ka talaga. Hindi lang sa gawa pati sa puso mo. Naiimpluwensiyahin din namin ang mga tao to do the same.

“Kaya nagkaroon kami ng parangal sa mga taong nagiging honest. I think ang lakas ng impluwensiya ng show namin sa tao dahil…ahhh, maraming na-discover na honest na tao. Hindi lang puro negative! At least, alam ng kababayan natin na may mabubuting puso pala rito.

“Gusto rin naming ituro sa show ’yung pagiging tapat. Pati sa mga bata, sa mali­liit. Na parang bata pa lang sila, alam na nila ang trait na ’yon. Hanggang sa paglaki nila, dala-dala nila ’yon. Iba pa rin ’pag tapat.

“Siguro ang naturo sa akin ng show na ito, realization. Kumbaga ’yung isa is ’yung sinabi ni Cristine na ang Pinoy mandurugas, matatakot ka, pero rito habang tumatagal, nari-realize mo na… may napuntahan din kaming tapat na tao na puro istorya nila. Dahil sa katapatang ipinakita nila, binigyan din namin sila ng parangal,” pahayag naman ni Paulo.

So, sa presscon, naging open na rin sina Cristine at Paulo sa estado ng kani-kanilang love life.

“Now, KC and I…Yes, yes, there is still an attempt to win her. I was dating her. Now, sobrang busy po pareho eh. We’re doing shows here and she’s in the US right now attending classes,” saad ni Paulo.

“Hindi po. Hindi po kami nagkabalikan ni Rayver (Cruz). Wala akong boyfriend ngayon. Si Derek (Ramsay) and I? Still friends. Single po talaga ako. Gusto kong one or two years abala ako sa trabaho. I hope na single ako for a while para magawa ko ang dapat kong gawin,” deklara ni Cristine.

Show comments