ABS-CBN walang kaplanu-planong kunin uli si Willie Revillame

Agad pinabulaanan ng ABS-CBN ang lumabas na sigurado na ang pagbalik ni Willie Revillame sa da­ting pinanggalingang network bago siya lumipat ng TV5. Sinabi sa blog na handa raw si Willie na bumalik sa Kapamilya Network. Pero madali ngang tinutulan ito dahil marami pa rin daw sa mga executives ng network ang ayaw pumayag na bumalik muli sa kanila si Willie. Sa ngayon, wala rin naman kaming bagong balita kay Willie, kung mayroon na itong lilipatang network o kung totoong magtatayo na siya ng sarili niyang network.

Nahulaan agad ng mga fans, Marian cover girl uli ng anniversary issue ng sexy mag

Nag-post ang FHM Ph magazine ng ilang pictures para sa 14th Anniversary cover girl nila. Hindi ipinakita kung sino ang kanilang subject, na pinahuhulaan nila. May naka-post lamang na pictures ng cover girl habang nagmi-make-up pero hindi kita ang face, may picture na naka-bath robe siya pero hindi rin ipinakita ang face, may picture na nakatalikod siya, naka-post din ang location ng pictorial. Pero mabilis itong nasagot ng mga fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Marian ang cover girl for the FHM March 2014, 14th Anniversary special issue. Alam din nilang sa Balesin Island in Quezon ginawa ang pictorial bago nagpunta roon si Marian with Dingdong and friends noong Valentine’s Day. Going to Balesin ay 25 minutes flight kaya naman after the pictorial of Marian, diretso siya sa taping niya ng Carmela.

January 2013 unang naging cover girl si Marian ng FHM para sa kanilang 150th special issue. But in 2008, kahit hindi pa nagiging cover girl ng FHM si Marian, siya na ang napiling Sexiest Woman in the Philippines.  Anyday now ay lalabas na ang March issue ng magazine.

Kris gusto na ring makipagtsikahan sa mga halaman

Si Kris Aquino, nakikipag-usap na rin sa mga halaman. Nakaaaliw panoorin ang Kris RealTV ni Kris every morning, 7:30 to 9:00 a.m. Kahapon nai-feature kung saan kumukuha ng mga halaman si Kris para sa kanyang bagong bahay in Green Meadows. Humingi ng tips si Kris kung paano madaling lalago at mamumulaklak ang mga halamang binili niya. Dapat daw ay araw-araw niyang kakausapin ang mga halaman, mga happy thoughts na parang nakikipag-usap siya sa tao, hindi raw puwedeng pagalitan ang mga halaman dahil baka magtampo. Anong oras daw niya dapat kausapin ang mga halaman dahil sa gabi, pagod na siya at gusto na niyang matulog pagdating ng bahay. Dapat daw ay sa umaga, na sabi ni Kris tamang-tama na parang namamasyal na siya sa garden niya.

Today, mapapanood si Carla Abellana for the first time na mag-guest sa Kris RealTV to promote their movie Third Eye ng Regal Entertainment na showing na ngayon in theaters nationwide.

Show comments