Sikreto ng milyonaryo sa tapsilog aalamin ni Karen Davila

MANILA, Philippines - Aalamin ni Karen Davila ang iba’t ibang sangkap sa tagumpay ni Vivian del Rosario, isang dating tindera ng ulam sa parking lot ng palengke na ngayo’y milyonarya na at may-ari ng sikat na Tapsi ni Vivian,   Miyerkules (Feb. 26) sa My Puhunan.

Ibibida rin ni Karen ang negosyo at ipinagmamalaking produkto ng unang Pinoy Big Brother big winner na si Nene Tamayo na homemade Spanish-style bangus na walang halong preservatives o artipisyal na pampalasa.

Sa Mutya ng Masa naman ngayong Martes (Feb. 25), hatid ni Doris Bigornia ang nakakaantig na       kuwento ng pagsisikap ni Jorge, isang 21 taong gulang na grade six student na sa kabila ng pangungutya ay pursigidong makapagtapos ng pag-aaral.

Ang My Puhunan ay bukas na habang ngayong araw ang Mutya ng Masa, parehong 4:45 p.m. sa ABS-CBN.

Show comments