Dingdong at Marian masipag sa kawanggawa

MANILA, Philippines - Hindi naman big deal kay Dingdong Dantes sakali mang si Alden Richards ang kapareha ng girlfriend niyang si Marian Rivera sa Panagbenga Festival sa Baguio City noong Linggo, Feb. 23. Last year naman kasi ay sila ang magkapareha sa float. Ngayon, for a change, si Alden naman.

Saka, hindi rin puwedeng mag-escort si Dingdong nung Linggo dahil pagod siya sa pagbisita sa mga school youth sa Loakan Elementary School noong Sabado, Feb. 22. Namigay siya ng school supplies ng mga bata.

Sana gayahin ang concern nina Dingdong at Ma­rian ng young stars na hindi ’yung pagpapa-cute at parampa-rampa lang ang trip. Ang mga tagahanga ninyo ay naghihirap kaya dapat din silang tulungan dahil sila ang buhay n’yo!

Direk Jay may dalawang bagong mukhang ilalantad

May new faces na namang ipakikita sa indie film ang controversial pero magaling na direktor na si Joselito “Jay” Altarejos, na nagdirek ng Lalake sa Parola starring Harry Laurel, Secret of Antonio at Obsession na teleserye ng TV5. Ang tinutukoy na binibigyan ng break ngayon ay sina Sandino Martin at Angelo Ilagan sa Unfriend.

Ang indie film ay hango sa istorya ng isang teenager na nagpakamatay sa mall nang mabigo sa kanyang lover boy na bayot din na bumulaga sa mga diyaryo at telebisyon dati.

Kasama sa pelikula si Boots Anson-Roa bilang suporta sa dalawang magbibidang baguhan.

                               

 

Show comments