MANILA, Philippines - Sa tinaguriang City of Smiles, higit-kumulang 6,000 Negrenses ang nakisaya sa Kapuso Night noong Pebrero 1 na ginanap sa North Capitol Road.
Ang lead stars ng The Borrowed Wife na sina Camille Prats, Pauleen Luna, at Rafael Rosell ang bumida sa Kapuso Night, na nagsilbi ring highlight ng partisipasyon ng GMA Network sa taunang Chinese New Year merry making ng Bacolod City na kilala rin bilang Bacolaodiat Festival.
Umaga pa lang ng araw na iyon, magkasama nang humarap sa ilang miyembro ng Bacolod media sina Camille at Rafael. Tanong ng ilan kay Camille, paano kung mangyari sa kanya sa totoong buhay ang mga kasawiang dinanas ng character niyang si Sophia? “Oh my gosh. I’m going to lose my mind! ‘Yung role ko kasi dito is confused, she has an amnesia, she doesn’t have any memory of her past life so she’s in search of herself once again. If one day I wake up with all the memories back with me and realizing na why do I look like this and where’s my husband, and when I finally see my husband, he doesn’t recognize me, feeling ko ang sakit sakit nung betrayal na pagdadaanan ko kapag ganun ang nangyari,†pahayag niya.
At kung mayroong aral na matututunan ang mga manonood sa The Borrowed Wife, ayon kay Camille, “‘Yung nangyari kasi rito, Rafael made a mistake of sleeping with Tessa (Pauleen). If that didn’t happen, Sophia wouldn’t have left, and hindi sana siya makikita ni Earl (TJ Trinidad), at hindi sana siya maaaksidente, mapapalitan ng mukha, and all those things. Siguro ‘yung pinaka-lesson is that a simple mistake could actually lead to something big, big enough to actually alter your whole life.â€
Ibinahagi naman ni Rafael kung paano niya pinaghandaan ang role niya hindi lamang bilang asawa kundi pati bilang isang ama. “I usually say no to father figure roles simply because I don’t have a connection with an offspring. But for this, I practiced. Hiniram ko ‘yung anak ng ibang friends ko para lang ma-feel ko ‘yung connection with the kids. I love children in general so madali na sa aking ma-adapt ‘yung idea of having a child. And in the process of borrowing children, naiintindihan ko na ngayon ‘yung sinasabi ng iba na kapag sobrang stressful day sa work tapos pag-uwi makikita ‘yung mga anak nila, nawawala ‘yung stress dahil yes, these children are stress-relievers, and in the end, these children are really what matters.â€
Ang Kapuso Night ang nagsilbing cherry on top sa iba’t ibang events na inihanda ng GMA Regional TV para sa Bacolaodiat.
Maaaring mapanood ang highlights ng Bacolaodiat Festival sa Let’s Fiesta TV Special na ipapalabas sa February 23 sa regional stations ng Network sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod, at CDO.