Vice Ganda idinadaan na lang sa patawa ang pinagdaanan ni Vhong

Halatang napilayan ang noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime mula nang mawala si Vhong Navarro.

Maganda naman ang show pero iba pa rin ang hatid na saya kapag kumpleto ang kanilang barkadahan. Mabuti na lang at hindi nawawalan ng pakuwela si Vice Ganda na sa pagbungad pa lang ng show after ng commercial ay binabalandra na ang mukha niya sa screen.

Tuloy pa rin ang laban ng mga Showtime family para kay Vhong kasi isa sa mga paraan nila na ipaabot sa publiko na isinama nila sa question and answer portion sa grand finals nung Sabado ng palabas sa That’s My Tomboy na ang isang sample ng tanong ay kung pupunta ang contestant sa condo unit ni Deniece Millenette Cornejo anong food ang gusto niyang dalhin. Gusto lang nilang iparating na sa publiko kung may intention nga namang tahasang mang-rape si Vhong bakit kailangan pa nitong magdala ng pagkain para kay Deniece? Marami pang sundot na patawa ang Showtime hosts bilang paraan nila ng pakikisimpatya sa TV host-comedian.

Buo ang loob ng Showtime family sa pakikipaglaban din sa kaso ni Vhong hanggang hindi pa natatapos ang kaso.

Speaking of Deniece, nagsalita ito kahapon sa Startalk ng GMA 7 at isa sa mga comment na napansin ng televiewers ay kapag nagsasalita si Deniece, sa mga tanong nina Heart Evangelista at Butch Francisco, hindi makatingin ng diretso ang dalaga kahit sa camera. Sa ibaba lang siya nakatingin maliban lang nung hiningan siya ng mensahe para kay Vhong na isa sa mga sinabi nito ay ipinagpi-pray daw niya ang komedyante.

Ayon naman sa psychologist ng Buzz ng Bayan kahapon ng ABS-CBN na nag-interpret sa gestures ni Deniece sa unang TV interview nito last week, ang ibig sabihin daw ng taong nakatingin paibaba ay confused at hindi sigurado sa kanyang sinasabi.

Dahil nakapareha na si Piolo, Toni puwede nang magpakasal

Mas marami ang nagagandahan sa version ni Toni Gonzaga ng theme song ng movie nila ni Piolo Pascual na Starting Over Again dahil mas feel na feel ng fans ang lyrics sa kanta ng actress/TV host sa promo ng kanilang pelikula kesa sa hagod ng pagkanta ng aktor.

Promise naman ni Toni, mas magugustuhan ng mga manonood ng pelikula nila ni Papa P dahil bigay na bigay din ang akting niya at nakakikilig na nailabas niya dahil sa husay ni Piolo at sa guidance na rin ng respetado nilang director na si Olive Lamasan.

Si Direk Olive rin daw ang dahilan kaya lagi siyang excited sa kanilang shooting dahil pangarap niyang makatrabaho ang mahusay na direktor bukod pa na makasama si Papa P. Promise pa nga niya, puwede na siyang magpakasal kapag nakatambal na si Piolo. Pero bilang pa-girl ay naghihintay siya kung kelan magyayaya ang director boyfriend niya sa pagpo-propose sa kanya.

Show comments