Pagpasok ng bagong taon, nagkakasunud-sunod na ang mga pistahan at iba’t ibang klase ng festival sa buong bansa. Kaya naman ang ating mga artista, daig pa ang gumagapas ng masaganang palay. Magsipag lang, super laki ang income.
Bukod sa talent fee, meron pang mga pabaon ang mga nangumbida ng mga performer sa kanilang lugar. Madalas na ipauwi ang isang malaking bayong na punung-puno ng native delicacies tulad ng longganisa, chicharon, daing, tinapa, at mga kakanin.
Isang komedyana, pati ang kanyang mister na naiwan sa bahay, inihihingi ng bayong na umaapaw sa masasarap na pagkain! Hindi pa nasiyahan, pati ang mga suman, kalamay, biko, at pastillas na nakahain sa dining table ay sinisiksik pilit sa kanyang bayong at sa mga malalaking plastic bag na baon niya.
Minsan sa kasibaan (at kasuwapangan), nag-LBM ang artista. Hindi siya nakapunta sa kasunod na stage show sa pista.
Jericho ididirek ang kasal kay Kim
Kahit tanggap nang tanggap ng trabaho si Jericho Rosales, silang dalawa pa rin ng kanyang nobyang si Kim Jones ang personal na nagtsi-check ng mga detalye ng kanilang wedding this year.
Gusto ng pareha, lahat ng mangyayari sa seremonya, reception, hanggang sa kanilang honeymoon, sunod sa kanilang specifications. Pareho silang mabusisi sa mga detalye kaya inaasahan ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan na it will be a marriage made in heaven.
Pati nga ang kanilang pagkakaroon ng baby well-planned na rin. Isang internationally awarded actor/director/producer, tiyak na lahat ng mga mahalagang bahagi ng yugtong ito ng buhay nina Jericho at Kim ay mabubuo ang isang memorable documentary film or video.
Dalawang Pinay sa Next Top Model pride parehong palaban
Dalawang Pinoy ang favorites sa mga finalist ng Asia’s Next Top Model 2014 — sina Jodily Ignacio at Katarina Sonja RodÂriguez.
Magkaiba ang kanilang mga feature, na obviously Asian, at may kanya-kanya silang istilo ng pagmo-model. Pero pareho silang well-educated, cultured, and well-traveled kaya tiyak na kahit sino kina Katarina at Jodily ang magwagi, ikararangal ng ating bansa.
Sam may kampanya sa mga mababaho ang hininga
’Buti na lang endorser si Sam Milby ng mga dekalidad na oral hygiene products — simula sa toothpaste at mouthwash.
Payo nga ni Sam sa mga kapwa niya artista at sa fans, ‘‘Do not take oral hygiene for granÂted.’’
Sana madiretso (sa suwabeng paraan) ng aktor ang kanyang mga kapwa artista, pati na mga leading lady, kung sino ang dapat magbaon at gumamit palagi ng kanyang bagong produkto.
ASAP mahirap tapatan, SAS dapat mag-Sabado na lang
Ang mga host sa ASAP Live in Dubai ay sina Toni GonÂzaga, Nikki Gil, Luis Manzano, at Robi Domingo. Siyempre hindi kasali si Billy Crawford.
Lahat ng ABS-CBN leading stars are featured in the first live staging of ASAP in the Middle East, na mapapanood natin this Sunday.
Mahirap umangat ang ibang Sunday lunchtime shows kung ang kasabay ay ASAP. Mas mabuti kung magbabago ng timeÂslot o kaya’y lilipat sa ibang raw tulad ng Sabado.
Gagawing Linggo ang Startalk. Good decision kung ang SAS (Sunday All Stars) ng network ay Saturday na ang teleÂcast.
Chinese films, source ng istorya ng mga scriptwriter at director noon
Dati, anytime na gusto naming manood ng magagandang Chinese films ay pupunta lang kami sa Chinatown at pumapasok sa mga sinehang King’s at Queen’s.
Ngayon mahirap ng laging nang makapanood ng kanilang well-produced movies, na noong bukas pa ang mga nasabing theater sa Ongpin, Maynila kasabay kong nanonood ang mga sikat na scriptwriter at director. After a few months, naisalin na sa isang Tagalog movie ang kanilang napanood.
’Buti na lang may Chinese Film Festival sa ating bansa tulad sa sinimulan last Friday until Feb. 2 sa Shangri-La Plaza cinema. Check with the venue at marami kayong makikitang memorable films.