Kim mas inuna ang condo kesa kotse

Hindi aware si Kim Rodriguez na si Bea Binene pala ang unang kinunsidera sa lead role sa Paraiso Ko’y Ikaw.

Sey lang ni Kim na tinawagan siya para sa story conference ng naturang teleserye at wala siyang alam na una pala itong inalok kay Bea.

“May nagsabi lang po sa akin na si Bea nga raw po ang unang kinuha para i-partner kay Kristoffer Martin.

“Hindi ko na po alam kung bakit hindi natuloy si Bea. Ang importante naman ay may trabaho po tayo. Siguro naman po ay may ibang mas magandang project para kay Bea,” diin pa ni Kim.

Matagal din ngang nabakante si Kim sa paggawa ng teleserye pagkatapos ng Kakambal ni Eliana. Nagkaroon naman daw siya ng mga guestings at nakatapos siya ng isang indie film.

Balak nga raw sanang mag-enrol ni Kim para matuloy niya ang kurso niya pero biglang dumating nga ang teleserye kaya pinagpaliban niya muna ito.

Nakakuha nga si Kim ng isang rent-to-own na condominium na malapit sa GMA 7. Mas pinili nga raw niya ang condo kesa sa bumili siya ng bagong sasakyan.

“May nag-advise sa akin na mas unahin ko muna ang tirahan kesa sa sasakyan. Ang condo raw po kasi ay tumataas ang value, ang sasakyan daw po kasi hindi.

“Okey lang na second hand ang bilhin ko or ‘yung hindi gaano kamahalan na sasakyan. Ang importante ay ‘yung may matitirhan ako ng maayos at malapit sa trabaho ko.

“Umuuwi pa rin naman ako sa San Mateo, Rizal kapag wala akong work. Nandoon kasi ang mga kaibigan ko at ang tita ko na nagpalaki sa akin.”

Parati na raw silang nagkakausap ng kanyang estranged father at nakilala na niya ang mga kapatid niya rito.

“Nakumpleto po ang pamilya ko kaya nagpapasalamat ako sa GMA 7. Kung hindi dahil sa pagbigay nila sa akin ng Kakambal ni Eliana, hindi ko po makikilala ang tatay ko. Ngayon masaya na ako kasi alam kong nandiyan lang ang tatay ko.”

Nagpapasalamat nga ang buong cast and crew ng The Borrowed Wife dahil sa magandang rating na nakuha nila sa pilot episode nito last January 20.

Kaya sobrang masaya ang buong cast na kinabibilangan nila Camille Prats, Rafael Rosell, Pauleen Luna, at TJ Trinidad.

Humihiling ng malaking halaga ang 18-year old na binugbog ng rapper na si Kanye West para ma-settle na nila ang kaso na sinampa nito at hindi na umabot pa sa korte.

Tinawagan si Kanye ng lawyer ng teenager at iuurong lang daw nila ang assault charges nila rito kung makikipag-settle ito sa kanila. Ang presyo ay several hundred thousand dollars ang halaga.

Ayaw nang paabutin pa ng teenager sa public trial ang lahat kaya mabuti na ‘yung magkaroon na ng settlement.

Sa kuwento ng partner na si Kim Kardashian, ininsulto raw siya ng teenager at tinawag siyang “nigger lover”. Kaya mabilis na pinagtanggol ni Kanye si Kim at nasaktan niya ang teenager.

Mukhang bibigay nga sa settlement si Kanye dahil ayaw niyang maabala pa sa anumang court case.

 

Show comments