Pati tip pinagdamutan aktres pinaglaway ang mga staff ng parlor na pinagbabaran ng walong oras

Isang aktres na halos walong oras (one full working day) ang itinatagal sa isang parlor. Inabutan siya ng lunch at merienda roon pero hindi man lang inalok ang mga nag-service sa kanya habang siya ay kumakain.

Ang beking manager, umorder ng pancit canton at hot pandesal upang makapag-snack sila. Mahirap nga naman ang lunok nang lunok ng laway habang tuloy ang pagkain sa harap nila ang artista.

Pinakamasaklap pa, hindi man lang nagbigay ng pampalubag-loob na tip ang aktres sa mga nag-ayos at nagkulay ng kanyang buhok, nagkayas ng kanyang mga kuko, at nagpakinis ng kanyang skin! Kahit na nga tie-up ang complete beauty treatment with the network. Dapat nagpakita ang aktres na nasiyahan siya sa good service doon, in addition to a simple ‘‘thank you.’’

Banta tuloy ng manikurista, “Kapag bumalik pa siya rito me-murder-in ko ang mga kuko niya sa paa’t kamay.’’

Pauleen ‘di puwedeng makialam sa mga desisyon ni Vic

Isang fan ang nagtanong kung pumayag si Pauleen Luna na bigyan ng house and lot ni Vic Sotto ang girl wonder na si Ryzza Mae Dizon. Sagot bigla ng marami, hindi kailangan ng ko­medyante ang permiso galing sa kanyang girlfriend dahil hindi pa naman sila kasal.

Kahit naman maging legal na mag-asawa na ang pareha, kilala natin ang mga Sotto na isang conservative, patriarchal fami­ly. Siyempre si Vic ang padre de familia kaya’t dapat sumunod sa mga desisyon niya ang kanyang magiging next wife.

Si Ryzza Mae naman, wala pang naiintindihan sa mga ganyang usapan kaya happy lang siya na tanggap nang tanggap. Lumalabo ang mga mata ng mga taong tumatanggi sa biyaya.

Jed Salang hina-hunting ng mayamang bakla nang malamang diborsiyado na

Nataranta ang isang gay bading sa paghahanap ng phone number ni Jed Salang nang malamang granted na ang divorce ng menchu from AiAi delas Alas. Dahilan niya, kukuning model ng isang produkto ang ex-Mr. Delas Alas.

I-gibsung bigla sa donyang beki ang magic numbers at baka kumita pa kayo ng komisyon from Jed’s talent fee. Siguraduhin lang na hindi lubricant (pandulas o gamot sa kati) ang produktong iiendorso at baka tanggihan ni Jed.

Osang Fostanes binigyan ng ministro

ng special visa, makakakanta na sa iba’t ibang venue sa Israel

Nagdiwang ang LGBT crowd at mga tagahanga ni Rosa ‘‘Osang” Fostanes nang lumabas na ang special permit ng X Factor Israel grand winner na makapagtanghal live sa iba’t ibang venue sa nasa­bing bansa. Isang ministro pa ng Israel ang nagbigay mismo ng special visa.

Magiging very busy si Osang this 2014 sa buong Israel, pati na sa ating bansa, na inaabangan na ang kanyang mga live show at TV guesting. Sana makapagpatayo na sina Osang at ang kanyang tiboli partner ng sariling bahay sa ating bansa.

Sen. Bong puwedeng kontrabida sa pelikula si Boy Pirma

Kung parte ng isang pelikula ang pinag-uusapang privilege speech ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa Senado last Monday afternoon, meron na kaming nakahandang title para rito — Sa ’Yo ang Malacañang, Akin ang Cavite.

Dahil may balak na rin si Gov. ER Ejercito na gumawa ng action-fantasy for the 2014 Metro Manila Film Festival, maaa­ring ipahiram ni Sen. Bong ang isa pang titulo —Agimat vs. Boy Pirma!

Kidding aside, humanga kami sa kagitingan ng senador. Ma­nang-mana siya sa tapang ng kanyang original El Caviteño, si dating Sen. Ramon Revilla, Sr.

Sana magkaroon agad ng survey ang isang independent group tungkol sa mga approval rating ng mga naglilingkod sa gobyerno upang makita natin kung sino ang pinaniwalaan ng masang Pinoy.

Please, huwag muna kayong magtanong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan o kaya’y sa paligid ng Malacañang.

Show comments