Solenn mas mukhang bata ‘pag walang makeup

Iisa ang komento ng mga nanood sa premiere night ng Mumbai Love na kasama si Jayson Gainza.

“Talbog ang mga ibang komedyante sa kanyang pagpapatawa (bilang isang baklang stepmother ni Solenn Heussaff,’’ anila.

Kahit si Direk Benito Bautista ay saludo sa pagpapatawa ni Jayson at sinabing magaling itong artista lalo na sa comedy, professional, at masarap pang katrabaho.

Palabas na ang Mumbai Love sa Jan. 22 mula sa Capestone Pictures at iri-release ng Solar Entertainment.

Si Jasmine Curtis ang original choice na maging bida sa Mumbai Love pero napunta kay Solenn Heussaff. Kailangan kasi na bata ang magiging bida sa cross-cultural romantic comedy movie.

Twenty eight years old na si Solenn at twenty two lang ang ka-partner na si Kiko Matos. Pero pinabata sa pelikula ang aktres, walang makeup, at mukha pa ngang mas matanda ang leading man.

Ayon kay Solenn, okay lang na maging second choice siya dahil maganda ang may trabaho, bida pa siya, at maganda ang karakter na inilarawan sa pelikula na malayo sa karakter niya bilang temptress. ’Di siya mukhang kontrabida dito kundi napaka-sweet at innocent-looking pa.

Nag-enjoy si Solenn habang nagsusyuting sa India dahil nalaman niya ang kultura roon bukod pa sa masarap katrabaho ang buong cast lalo na ang kaparehang si Kiko Matos kahit nagselos sa aktor ang kanyang boyfriend.

Posible ba siyang ma-in love sa isang Bumbay?

‘‘Why not?’’ mabilis na sagot ng seksing aktres.

 

Show comments