TJ idinenay na nang-bully kay Lexi, itinama lang ang nakitang mali

Ayaw nang patulan ni TJ Trinidad ang mga pinapakalat na hate tweets ng mag-inang Maritoni Fer­nandez at Lexi Fernandez. Inaakusahan ni Maritoni na binu-bully ni TJ si Lexi dahil ito ang nagsumbong sa staff ng Celebrity Bluff na kinu-coach ng ina si Lexi habang nagte-taping sila ng game show.

Ang kay TJ lang ay game show iyon at bawal ang kino-coach ang mga contestant dahil unfair ito sa mga ibang kasali.

“Actually, ang nakakita sa kanila ay si Camille (Prats). Sinabi lang ni Camille sa akin kaya nakita ko rin.

“Natural I told the people of Celebrity Bluff ’yung ginagawa nilang iyon. So, na-stop ’yung taping at kinausap silang dalawa.

“Is that bullying? Nilagay lang natin sa tama ang lahat. Let’s be fair sa mga ganitong sitwasyon.

“As for their tweets, I am not aware. I don’t have any social media account kaya wala akong alam. Okay lang at least, I am not the one bothered by it. Sila ang mga nagtu-tweet ng kung anu-ano kaya sila ang may problema. As for me, I go on with my usual life. Hindi ako apektado sa kanila,” pahayag ng aktor.

Nagpapasalamat si TJ dahil after ng kontrabida role niya sa Genesis, muli na naman siyang nabigyan ng challenging kontrabida role in The Borrowed Wife.

Gaganap siya bilang plastic surgeon na mag-iiba sa mukha ng isang babae para mapunta dito ang mukha ng namatay niyang asawa.

“Charee Pineda plays the original Maricar here. Pero may nangyari at nasira ang mukha niya. Inoperahan ko siya ang turned her into my wife Sofia which is Camille Prats. Maraming big dramatic scenes dito and I am happy to be part of the cast,” sabi ni TJ.

Kasama rin sa The Borrowed Wife sina Pauleen Luna at Rafael Rosell.

Male TV host nag-iwan ng malaking dumi sa CR ng event na ’di naI-flush

Sirain pala ang tiyan ng male TV host at tuwing sasalang sa stage para mag-host ng anumang event. Lagi itong tatakbo sa banyo para ilabas ang anumang hindi kanais-nais sa kanyang katawan.

Ayon sa isang close sa male TV host, naging habit na raw ito dahil sa pagiging nerbyoso ng male TV host. Kapag inatake na raw ito ng nerbiyos, asahan na sa banyo ito didiretso at magbabawas. Doon lang daw siya magiging maayos kapag nakapagbawas na siya.

Pero minsan nga sa isang malaking event ay muli na namang inatake ng nerbiyos ang male TV host na ito na sa isang oras ay magho-host na siya ng event. Nakaramdam na naman ito na kailangan niyang magbawas kaya nagpaalam ito sa kanyang handler na tatakbo muna siya sa banyo.

Ang nakakaloka ay dahil ginanap sa isang mala­king tent ang event, public bathroom lang meron sila at walang choice ang male TV host kundi gamitin ito.

Noong matapos na nga siya, kamalas-malasan niya na napunta pa siya sa cubicle na sira ang flush kaya hindi niya mai-flush ang kanyang dumi.

Tagagtak na ang pawis ni male TV host dahil imbes na takasan na lang niya ang hindi na-flush na dumi niya, hindi siya makalabas ng cubicle dahil biglang nag-CR ang mga dancer na kakatapos lang ng kanilang dance number sa stage.

Tatlo lang ang cubicle at okupado pa niya ang isa. Kaya hindi siya makalabas dahil nahihiya siyang makita ng sinuman ang dumi na maiiwan niya na mala-submarine sa laki.

Kaya ’yung katok nang katok sa cubicle door niya ay dinededma niya dahil nahihiya nga siya. Sabay pa ang panay na text at tawag ng handler niya na isasalang na siya in 10 minutes sa entablado.

Mabuti na lang at sabay-sabay ding umalis na sa banyo ang mga dancer at nang sumilip si male TV host ay wala nang tao kaya mabilis siyang nakalabas ng cubicle at naghugas na ng mga kamay niya.

Paglabas niya ay humingi agad siya ng cologne sa kanyang handler dahil pakiramdam niya ay dumikit ang amoy ng sarili niyang dumi sa damit niya.

Ang ending ay nagawa rin naman ni male TV host ang trabaho niyang mag-host. Pagkauwi niya ay natatawa na lang siya sa remembrance na iniwan niya sa banyo ng venue.

 

Show comments