Piolo may regret sa buhay?!

MANILA, Philippines - Magkakasama sina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, at Iza Calzado sa pelikulang Starting Over Again at ngayon pa lamang ay sobrang excited na siya sa bagong proyekto.

“It’s definitely worth the wait,” sagot ni Piolo nang matanong kung ano ang pakiramdam niya sa gagawin niya.

“This is a one-of-a-kind movie which took more than six months to make,” sambit ni Piolo sa interviews sa kanya sa DZMM.

Kakaiba raw ang pelikulang ito na ididirek ni Olivia Lamasan dahil sa modern and contemporary setting ng kanilang movie.

Pagsasalarawan pa ni Piolo sa pelikulang ito raw ay “a rollercoaster ride” and “something real for the audience to experience.”

Samantala nang tanungin si Piolo kung nakaranas na ba siya sa kanyang buhay na feeling niya ay “starting over again,” sagot niya: “There comes a point where we regret letting go of a person... how do you get back with that person, how do you start again a relationship that you once had?”

Pero kelangang may leksiyong mangyari. “These are the things that make you a better person, that make you want to move on and accept whatever fate gives you,” dagdag pa ng aktor.

Nang tanungin kung may tinutukoy ba siyang tao, iwas niya, “No one in particular but it’s real and it happens to anyone.”                                  

Show comments