Anne ready nang makatrabaho si John Lloyd

Ayon kay Anne Curtis, nagsilbing learning expe­rience sa kanya ang insidenteng nangyari sa isang bar nang dahil sa kalasingan.

Okay na rin daw sila ni John Lloyd Cruz na nasangkot din sa iskandalo last year. Willing siyang makatrabaho ang aktor.

Suportado rin ng ABS-CBN ang aktres kaya sa kanya naipagkaloob ang proyektong Dyesebel na katha ni Mars Ravelo.

Indian produ nanganganay sa Mumbai Love

Guwapo ang prodyuser ng Mumbai Love na si Neil Jeswani at puwede nga siyang leading man ni Solenn Heussaff na bida ng pelikula. Sa kanya nabuo ang konsepto ng Mumbai Love sa pakikipagtulungan ng magaling na director na si Benito Bautista.

Bilang prodyuser ng Capestone Pictures, Inc. nasabi ni Neil ang dahilan sa paggawa ng pelikula na mga artista natin ang bida.

Anang produ, ‘‘Capestone Pictures hopes to be both a vehicle of expression for emerging talents and an avenue for film commerce. We firmly believe in the power of youth and our corporate culture mirrors their vibrant and open creative dialogue. My vision is to light up on the dark corners of modern culture by bringing to the forefront, values and customs laid dormant by progress and modernization.’’

Kahit maganda ang pagkakagawa ng pelikula ay kabado ang produ dahil nanganganay pa siya at umaasa ito na sana’y tangkilikin ang Mumbai Love at kumita para magtuluy-tuloy ang pagpoprodyus nila ng pelikula.

Palabas na ang Mumbai Love sa Jan. 22 at iri-release ng Solar Entertainment Corporation.

Show comments