Sarah Box-Office Queen ng 2013

Para sa akin, si Sarah Geronimo ang karapat-dapat na tanghalin na Box-Office Queen ng 2013 dahil tumabo sa takilya ang pelikula nila ni John Lloyd Cruz, ang It Takes a Man and a Woman na ipinalabas sa mga sinehan noong March 30, 2013.

Mahigit sa isang buwan ang itinagal ng theatrical run ng pelikula na idineklara bilang highest-grossing Filipino movie ng 2013.

At dahil si Sarah ang may karapatan na maging Box Office Queen ng 2013, it follows na si John Lloyd ang Box-Office King dahil mega blockbuster ang It Takes a Man and a Woman.

Aktres cheap na cheap sa mga pinaggagagawa

Umiral na naman ang kaga­gahan ng aktres na mahilig mag-emote sa social media pero naga­galit kapag nasusulat sa mga di­­yaryo ang kanyang mga hinaing sa buhay.

Ang sarili ang dapat sisihin ng aktres dahil naging hobby na niya na i-share sa publiko ang mga ka­tsi­pan na nangyayari sa kanyang buhay. Kung ayaw ng aktres na matsis­mis, tigilan na niya ang pagtalak at pag­mumura sa social media. Nagiging pathetic na siya dahil na rin sa kanyang mga katsipan. Lahat na lang, inaaway niya. Kulang na lang na awayin rin niya ang sarili!

Pagdalaw ni Noli kay GMA, minasama

Binibigyan ng malisya at ibang kahulugan ang pagdalaw ni Noli de Castro kay former President Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City noong Sabado.

So what naman kung bumisita si Papa Noli kay Mama Glo? Karapatan niya na dalawin si Mama Glo dahil siya ang dating bise presidente. Maganda naman ang naging relasyon nila noong kapwa sila nasa puwesto.

Magandang halimbawa ang ipinakita ni Papa Noli. Hindi siya dapat magpaapekto sa mga batikos ng mga tao na kaligayahan na ang manira ng kapwa at pinaiiral ang inggit sa katawan.

Jessica, hot na hot sa pagbi-bikini sa Boracay

Pinag-uusapan ang pagsusuot ni Jessica Sanchez ng two-piece white bikini sa bakasyon niya sa Boracay.

Seksing-seksi si Jessica kaya mabilis na pinagpasa-pasahan sa social media ang kanyang revealing photo.

Hindi big deal ang pagsusuot ni Jessica ng two-piece bikini. Nagkataon lang na first time na nakita ng publiko ang kanyang kaseksihan sa litrato na inilagay niya sa social media.

Nanay ni Charice mas kamukha ang manugang na inaayawan

Pero siyempre ibang usapan kung si Charice ang magsusuot ng two-piece bikini dahil siguradong ito ang isyu na pagpipistahan ng lahat.

In the news uli si Charice dahil ayaw paawat ng nanay niya na si Raquel Pempengco sa pagsasalita laban sa girlfriend ng kanyang anak.

Dapat nang tanggapin ni Raquel si Alyssa Quijano bilang manugang niya dahil ito ang nagpapasaya sa kanyang anak. Kung may dapat tumanggap kay Alyssa, si Raquel ’yon dahil magkamukha sila. Mas mapagkakamalan pa nga na anak ni Raquel si Alyssa kesa kay Charice dahil bukod sa pagiging magkalokalike, pareho ang kanilang bihis at porma.

Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaraanan, feeling blessed si Charice dahil magiging busy siya sa 2014.

Magkakaroon si Charice ng mga concert sa US, America, Indonesia, at sa iba pang panig ng mundo. Matuloy sana ang mga show ni Charice sa ibang bansa dahil makakatulong ito para malibang siya at pansamantalang makalimutan ang kanyang mga problema.

Show comments